Oops, di ko pa po maa-upload ang Chapter 53, may mga babaguhin pa po kasi ako. Thanks for reading and hopefully you vote and leave some comments 😊.
****
Reya's POV
"O siya, kailangan ko nang umalis." Halos tumakbo na si Davin paalis pagkarating namin sa opisina ni Renzo. Hindi ko siya pinansin. Mas interesado ako sa kung anong tinago ni Renzo.
"Hindi mo ba ako sasagutin?" Napahawak ako sa beywang ko habang naghihintay ng isasagot niya. Nakita ko ang pangungunot ng noo niya bago alisin ang kamay sa mga papel na nasa mesa.
"Why so interested about it? Kung gusto mong makita, bakit hindi ka lumapit dito?"
"Alright" nakangising sagot ko. Naglakad ako papalapit sa kaniya.
"But I'm warning you. Once na makita mo ang nakasulat, kailangan mong magbahagi mamaya sa meeting."
Nasa kalagitnaan na ako papunta sa puwesto niya nang mapahinto ako. "What do you mean?"
"The paper I was holding a while ago contains my future plans for this mall. Want to see it? That's a good idea, tulungan mo na rin akong i-discuss ito mamaya sa meeting."
Lumawak ang ngiti ko. "Ha... Ha... Nevermind." Alam ko na sobrang awkward ng tawa ko. Napabaling na lang ako sa kaliwa. Tsk. Ang galing mong magtago ng sekreto huh.
"Whatever" I rolled my eyes, sabay upo sa couch. Ibinaba ko ang itim na face mask na suot ko hanggang sa leeg. Pagkatapos ay kinuha ko ang cellphone mula sa bag na aking dala. Napahinto ako sandali sa pagkalikot nito nang maramdaman ang kakaibang presensya sa loob. Napasulyap ako kay Renzo na napako ang tingin sa aking dako. Napakaseryoso ng mukha niya.
"The meeting starts at four o'clock right? I wanna rest while waiting." depensa ko. Pakiramdam ko pagagalitan na naman ako nito. Sumang-ayon na nga ako na aattend ng meeting ng mall, tsk.
"Sa pagkakaalala ko, before one o'clock ang usapan natin, anong oras na? Napakahaba na ng oras mo para magpahinga." May pagdududa sa boses niya.
Awtomatikong naningkit ang mga mata ko. "Hindi lang ikaw ang tao sa mundo na may mga business matters na kailangang asikasuhin." Padabog kong kinuha ang throw pillow at hinigaan. Malaki ang couch at kasya ang buo kong katawan.
I heard him sigh. "And what business matters could it be?"
I tried my best not to take a glance at him. Kung alam lang niya ang mga ginagawa ko, kung nakita lang niya ang mga nakita ko kanina. Napapailing na lang ako. Wala akong balak na sabihin sa kaniya ito, hindi pa oras para malaman niya. Ayokong magtanong siya lalo na ang ungkatin ang pagkatao ko. Alam kong may kinalaman si Arthur, and him being Knight complicates things more.
"Please, I don't have the energy to argue. Not today Renzo."
Kinuha ko ang earphone at sinalpak sa aking tainga. Hindi na ako nakarinig ng kahit ano mula sa kaniya pero pakiramdam ko nakatingin pa rin siya. Natutukso akong silipin siya pero pinigilan ko ang sarili.
I started to search in google all the possible news websites of the country even in youtube, I keep on refreshing news channels. Ngunit kahit saan ako maghanap wala talaga. Paanong nangyaring ang ganoong klaseng pangyayari ay hindi pa rin naibabalita hanggang sa mga oras na ito?
Nawawalan na ako ng gana! "Damn" mahinang mura ko. Ibabato ko na sana ang cellphone na hawak ko nang maalalang hindi lang ako ang tao sa opisinang ito. "I mean damit." Napapikit na lamang ako sa kagagahan ko. Kailangan ko pa talagang magpalusot?
Kung may isang taong nakakaalam ng nangyari kanina bukod sa akin at sa mga pulis, ito'y walang iba kung hindi ang journalist na si Maggi. Hinanap ko sa google ang site ng tabloid kung saan siya nagtatrabaho pero wala akong napala. May mga bagong balita pero wala sa mga ito ang hinahanap ko. I have a bad feeling about it. Alangan namang bukas pa ibabalita ang nangyari? I have to contact Maggi. Tingnan mo nga naman ang pagkakataon, sa kabilang banda nagkaroon ako ng rason para lapitan siya.
BINABASA MO ANG
Dead Heart (#RoseAwardsJune2019)
AcciónSi Reya ay isang underground fighter sa isang organisasyong pinamumunuan ng matataas na tao ng lipunan. She is cold and known to be heartless... as a fighter and even outside the battlefield. Para sa kanya, walang kwenta ang sarili nitong buhay. Nam...