Renzo's POV
"Hello" Mahinang sagot ni Reya sa kabilang linya na halos hindi ko na marinig.
"Where are you?"
"Where are you?"
Napaangat ang aking labi sa sabay naming pagtatanong. Hindi ko alam kung anong nangyari pero gusto kong marinig ang tinig niya. She's totally a bad girl but it feels like there's something in her that you just need to understand. The way she acts, speaks, may pinanghuhugotang malalim.
"Ladies first." I answered.
"No! You go first." Dati, nakakairita ang pagka-bossy niya pero parang nasasanay na ako sa kaniyang personalidad. She's different and I'm slowly accepting this fact. But I also want her to change that bad attitude. Hindi dahil sa gusto ko siyang baguhin kung ano siya pero dahil iyon ang tama.
"May private meeting ako sa isang importanteng tao."
"Sino?" Hindi ako nakasagot kaagad sa tanong na iyon. She sounded like she knew where I am. May palagay ako na hindi sila in good terms ni Wilhenry. Naalala ko ang hitsura niya minsang magkita sila ni Wilhenry. Nagawa pa niyang umalis ng walang paalam, mapadpad sa sulok at magtago. Ayokong makitang muli ang hitsura niyang iyon nang matagpuan ko siya.
"Wil-"
Hindi ko natapos ang aking sasabihin dahil sa pagbukas ng pinto.
"Pasensya na Mr. Andrews sa paghihintay. Alam mo naman ang trabaho natin, masyadong maraming hinaharap na obligasyon."
"Walang dapat na ihingi ng tawad. Naiitindihan ko."
"Hey! Hihintayin kita." Narinig kong sabi ni Reya. Hati ang atensyon ko sa kausap sa phone at sa kadarating lang na si Wilhenry.
"I'll call you again later." Nais ko man siyang kausapin pa, kailangan ko nang putulin ang tawag.
"Still, thank you for understanding. Isa ka talagang masigasig na tao. Kung katulad ka ng iba ay siguradong magagalit na dahil sa paghihintay. Although I can't blame them, time is precious for businessmen like us." Naupo siya sa pinakadulo ng lamesa. Ayoko sa dating ng presensiya niya. May kung ano sa kaniya na hindi ko gusto... Marahil dahil sa nalaman ko tungkol sa kaniya. Gusto kong malaman kung tama ba lahat ng impormasyong dumating sa akin.
"I agree with you Sir Wilhenry. Pero iba naman ang sitwasyon ko. May mga taong nakaassign upang mag-manage ng company ng dad ko rito. I only focus on my mall. I am free this whole day."
"Well. Good for you. But soon everything will be handed to you. Am I right? As the only son of the Andrews, mamanahin mo ang lahat maging ang obligasyon."
"Matagal pa naman sigurong magretiro ang ama ko. Pero parang ang sarap pakinggan. I will gain power once my dad handed me his company and wealth."
Napukaw ang atensiyon niya sa sinabi ko. Nababasa ko ito sa kaniyang mga mata.
"Interesting. You want to gain power and wealth?"
"Sino bang hindi Mr. Orietta? Sa panahon ngayon, pera ang nagpapagalaw sa mundo. Hindi ka kikilalanin ng iba kung wala ka nito. Kaya nating makuha ang halos lahat ng nanaisin natin, titingalain at susundin ng nakararami. Wealth can manipulate the world even people's lives. Kapag wala ka nito, itatrato kang basura ng iba."
"Ahaha. Tama ka Lorenzo. I like what you've said. Mukhang magkakasundo tayo."
"Glad to hear that from you Sir. Simula nang umapak akong muli sa Pilipinas, nakita ko kung gaano kaimportante ng status sa buhay. I'm enjoying the privileges. Then I realized I want more." Deretso ang tingin ko sa kanyang mga mata. Siniguro ko ring bigyang-diin ang mga huling salitang binitawan ko.
BINABASA MO ANG
Dead Heart (#RoseAwardsJune2019)
БоевикSi Reya ay isang underground fighter sa isang organisasyong pinamumunuan ng matataas na tao ng lipunan. She is cold and known to be heartless... as a fighter and even outside the battlefield. Para sa kanya, walang kwenta ang sarili nitong buhay. Nam...