Reya's POV
"Reya. Kumusta?" Bati ni Celine nang magkasalubong kami sa Crystal. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Her uniform caught my attention , it's color pink. Tsk, hindi maganda sa paningin.
"Fine. How about you?" kaswal na tanong ko.
"Eto, back to work." Nakangiti niyang sagot. Ngunit sa likod ng ngiti sa kanyang labi ay nahihimigan ko ang kakaibang awra mula sa kanya...walang buhay.
"Good." I just answered.
"Its just that... Uhm... Ang higpit ng mga tao ngayon. I can't go out without a bodyguard and ang daming bantay. Wala ka bang napapansin sa mall? Guards are all over the place. Nakakaloka."
"Tsk. Get used to it. Its better anyway. At least everyone's safe. Sige ha. I need to go to my shop."
Bago pa man ako makahakbang ay patakbo siyang lumapit sa akin at yumakap. Natuod ako sa pagkabigla. "What are you doing? Hey! Ang daming tao." Normally, dapat tinulak ko na siya palayo pero abnormal na nga talaga ako siguro dahil hinayaan ko siyang gawin ito.
"Thank you! Gusto ko lang magpasalamat sa'yo." Naramdamanan kong mas humigpit pa ang yakap niya matapos niyang magsalita.
"Okay. Okay na! You are welcome. Bitaw na. Don't make a scene."
Nakahinga naman ako ng maluwag nang sa wakas ay kumalas siya. Tumingin siya ng diretso sa aking mga mata at isang bagay ang napansin ko, maayos na ang pagkakangiti niya na hindi kagaya kanina.
"I must go. Baka ano pa maisipan mong gawin." I said bago siya iwanan. Ngunit hindi pa ako gaanong nakakalayo ay nagsalita siyang muli. "Reya! Again thank you! Nakapag-isip-isip ako ng mabuti. At simula ngayon, gagawin ko kung ano ang tama! Bye! Bonding tayo one time!" Napahawak ako sa noo ko. Kailangan ko nang masanay sa ugali ng mga tao rito. Naiiling na nagpatuloy ako sa paglalakad pero sa kabila ng pagpigil ko, sumilay ang ngiti sa aking labi. Nice, I got an insane friend.
Nagdiretso ako sa shop ko at mabilis na pumasok sa aking opisina. Kinuha ko ang nakatagong laptop at binuksan ito. Gusto kong magresearch tungkol sa mga taong nasa listahan na pinakita sa akin ni Arthur noong nakaraan. Pero gayon na lamang ang panlalaki ng aking ang mata nang iba ang aking matuklasan.
Its another blog from HiddenTruth. Shit!
Unfortunate events happened in my life these past few days. Thought everything's connected but I won't stop what I've started. I will continue until the hidden truth finally reveals. If they know me already, hindi ko pa rin sila kilala. Pinapatunayan lamang nila na may mali silang ginawa at pilit na pinagtatakpan. Hindi na ako makapaghintay na dumating ang araw na maisiwalat ang katotohanan. Sabi nga sa lumang kasabihan "Walang sikretong hindi nabubunyag".
I must suggest, buhayin muli ang kaso ni Roman Felipe at siguradong marami pang katiwalian at nakatagong katotohanan ang lalabas. Why let innocent people suffer? Its time to wake up the government...
Ang marahang mga katok sa pinto ang pumutol sa aking pagbabasa.
"Ano?!" Pasigaw kong sagot. Damn. Celine's so hard-headed. Ito ba ang ibig sabihin niya kanina?
Bumukas ang pinto at iniluwa nito si John. "Ma'am, pasensya na po sa abala pero may naghahanap sa inyo."
"Sino?" I asked. Napahawak ako sa aking sentido. Hindi pa rin ako maka-move on sa nabasa mula kay Celine. Gusto niya talagang mapalapit sa kapahamakan.
"Ako."
Nanlumo ako sa nakita. Wala na bang mas ikasasama ng araw na ito? Mas lalo kong diniinan ang daliri sa sentido. Of all people, bakit siya na naman? Uhm I wasn't expecting Renzo to pay a visit either. Speaking of him, nasaan na kaya ang taong iyon? Ilang araw na rin kaming hindi nagkikita. He's always busy.
BINABASA MO ANG
Dead Heart (#RoseAwardsJune2019)
ActionSi Reya ay isang underground fighter sa isang organisasyong pinamumunuan ng matataas na tao ng lipunan. She is cold and known to be heartless... as a fighter and even outside the battlefield. Para sa kanya, walang kwenta ang sarili nitong buhay. Nam...
