Chapter 6 Tragedy of Past

310 82 51
                                    

Celine's POV

"Pangako?"

Napapikit ako nang maalala ang huling salitang binigkas ni Merian sa akin. Iyon ang huling gabi na nakita ko siya, na nakausap. Kahit anong pilit kong pagtanggi, hinding-hindi ko maaaring takasan ang nakaraan, na naging part ako ng masaklap na pangyayari sa buhay ni Merian. My bestfriend.

Merian, tutuparin ko na ang huling pakiusap mo. Pasensya ka na at masyadong natagalan.

"Celine! Celine! Celine!..."

"Hahahaha-hahaha!"

"Look! May dumapo sa dayami ko. Ang galing mas effective ang pangalan mo."

"Ahahaha... loko ka."

Another memory flashed on my mind. Ito yung araw na nagkakilala kaming dalawa.

Once, my family and I, had a vacation on a province. Magtatakip-silim na at naisipan namin ng kuya ko na mamasyal sa isang mini-park. Isang park na maraming puno ng mangga at kaunti lang ang tao.

"Sili! Sili! Sili! Sili" I heard a voice, and thought na tinatawag niya ako. Humiwalay ako kay kuya na nasa malapit sa fountain. Sinundan ko ang boses ng babae. Then I met her.. si Merian, kasama ang papa niya. We're both fourteen years old 'nung mga panahon na iyon. Pareho sila ng papa niya na may dalang mahabang patpat na sa dulo ay may nakataling dayami. Kulang na lang ng apoy, mukha na itong sulo. Tinaas ni Merian ang hawak niya at inilapit sa mga dahon ng puno ng mangga.

"Sili, sili, sili, sili" Paulit-ulit niyang sabi.

"Ang weird." Naisip ko.

"Papa! Hindi naman po dumadapo eh! Nangangawit na po ako." Reklamo niya. I saw tito Roman smiled, Merian's father.

"Ang ingay mo kasi anak. Oh tignan mo. May dumapo sa hawak ko." Dahan-dahang ibinaba ni tito Roman ang hawak. Hindi na ako nakatiis at lumapit na sa kanila.

Hinawakan ni tito Roman ang isang brown na insect. It seems harmless naman eh so parang gusto ko rin itong hipuin.

"Ano yan?" Nagtataka kong tanong.

"Salagubang po." Sagot ni Merian. Para tuloy akong napahiya sa sarili. But instead na magdamdam, I learned a lesson.

"Ano PONG gagawin niyo diyan?" Magalang kong tanong. Nginitian ako ni tito Roman while Merian answered my question.

"Salagubang. Nanghuhuli kami ng salagubang." Itinapat niya ang flashlight sa salagubang na hawak ni tito Roman. Pinagmamasdan kong maigi ang paglalagay ni tito Roman ng salagubang sa pet bottle.

"Huh? Ito pala ang salagubang. Anong gagawin niyo diyan?"

"Kakainin!"

"Haah!"

"Ahahaha... joke lang. Pinapakita lang ni papa yung mga ginagawa nila noong bata pa siya. Pero papa di ba sabi mo po piniprito rin niyo ito at kinakain?"

Dead Heart (#RoseAwardsJune2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon