Chapter 26

108 27 0
                                    

Reya's POV

"One week..." bigkas ko habang nagmamaneho ng aking sasakyan.

One week of healing. Tatlong linggo na lang ang nalalabi sa buhay ko. Mataman kong sinundan ang truck sa harapan. Dahil sa hindi ko alam kung kaya kong gawin ang lintik na misyong binigay sa akin, unti-unti kong tinatanggap na maari akong mawala na ng tuluyan.

I failed. Nagsisimula pa lang ako sa plano kong banggain ang organisasyon pero hindi ko alam kung maitutuloy ko pa ito. Ang lahat ng mga nasa isip kong gawin, nasapawan ng utos ni Arthur.

Nang makapasok sa parkeng area ay inunahan ko ang isang itim na van sa isang bakanteng area.

Napangisi ako nang maayos na maipwesto ang sariling sasakyan. Bumaba ako ng kotse. The atmosphere seems different. Parang may nagbago.

Napaangat ang gilid ng mapulang labi ko nang makita ang malaking pangalan ng mall na nasa harap ko lang.

Unang pumasok sa utak ko ang message ni Daven noon. Ang dami niyang pinagsasabi at wala ni isa ang nireplyan ko.

"Tinitibag na ang Nisia kagaya ng pano wasak ang puso ko ngayon. Kausap please!"

I still remember my reaction when I read his message. Gusto kong basagin ang phone ko sa mga kalokohan niya.

Ang dating Nisia Mall ay napalitan na ng tuluyan... Crystal Mall.

Hindi ko maintindihan si Renzo kung bakit iyan ang pinangalan niya. Ang daming mas cool at attractive, pero sa bagay, ang pangit din naman ng Nisia.

Papasok na ako nang mapansin ko ang isang malaking karaturang may nakalagay na notice to the public na nakapaskil sa may malapit sa akin. Dito nakasulat na ini-extend ang mall at na isang play area ang ilalagay dito. Sa likod naman ay patatayuan ng isang stadia named as LS Andrews Stadia.

Sa maikling panahon na nawala ako ay ang dami niya ng binago. Nagpatuloy na ako sa pagpasok. Tsk.

Wala naman palang nagbago rito sa loob. Same mall atmosphere. I need to visit my shop kung buo pa ba ito. I once contacted John and instructed him to be an acting owner for the meantime. Hindi ako basta nagtitiwala, kaya dapat matuwa siya. But, kapag may mapansin lang akong irregularities, humanda talaga siya sa akin. Nasabi ko naman na iyan sa kanya noon pa man.

Siya lang din pala ang sinabihan ko na babalik ako ngayong araw. Mariin ko ring inutos na walang dapat makaalam sa pag-uusap namin.

Pahakbang na sana ako sa escalator nang may maramdaman akong malamig na bagay sa daliri ko sa paa.

Nanlaki ang mata ko nang makita ang isang matabang pusa. Bakit may pusa rito? Sino ang tangang mag-iiwan ng alaga niya sa ganitong lugar?

Sisipain ko na sana siya pero may kung ano na pumigil sa akin. I used to love animals.

Three weeks of freedom? Sige susunod ako sa agos. Gagamitin ko ang kalayaang ito ayon sa nais ko.

"Baka ilang araw na lang ang nalalabi sa akin. I should not restrain myself from enjoying this life."

Kinuha ko ang matabang pusa at hinaplos ang brown niyang balahibo. Ang amo niya. Kusang nag-arko ang akong mga labi habang karga siya. Wari'y nagpapakalma sa magulo kong isipan.

"Goldie!" Narinig kong sigaw ng isang babae. Napalingon ako at tumambad ang mukha ni white lady. Nakatingin siya sa pusa ng may pag-aalala. Dahil doon, napagtanto ko na itong pusa ang tinutukoy niyang Goldie.

Bigla kong nabitawan ang pusa. "Meow." Naglanding siya sa sahig ng safe.

Agad na tumakbo si Celine at kinuha ang pusa. "Bakit mo naman ginawa 'yon?" Kahit itago ay naramdaman ko ang pagkainis niya.

Dead Heart (#RoseAwardsJune2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon