Nais kong mapasigaw ng napakalakas...
Hindi lang dahil sa nararamdaman kong sakit ngunit dahil na rin sa galit. Its enough!
Kahit nahihilo'y kitang-kita ko pa rin ang lalaki sa harapan ko nang itaas nito ang hawak na baril at handa nang ipalong muli sa braso ko.
Kaagad kong kinagat ang isa sa mga may hawak sa akin at nang mapabitiw ito'y buong lakas kong sinuntok ang isa pa gamit ang aking kanang kamao.
Ang sakit na nararamdaman ko'y ginawa kong motibasyon para lumaban. I've been through a lot of pains, ngayon pa ba ako susuko?
"Stop!" sigaw ng lalaki kasunod ng pagkasa ng kanyang baril na ngayon ay nakatutok na sa akin.
"Punyeta! Ikaw ang tumigil!" Malakas kong sigaw bago sipain ang kanyang kamay.
Tumilapon ang baril malapit sa akin kaya hindi na ako nagsayang pa ng pagkakataon at nakipag-unahan ako sa pagpulot nito.
Napangisi ako ng kaunti nang ako ang makakuha ng bagay na ito na gawa sa bakal. Umaayon pa rin sa akin ang kapalaran.
"Walang gagalaw!" I command. Palipat-lipat ang pagtutok ko ng baril. I counted in my mind. Three.
Tatlo na lang pala silang nakatayo.
Nakita ko ang paggalaw ng isa sa kanila. Ito iyong inagawan ko ng baril. Itinutok ko kaagad ang baril sa kanya.
"Walang gagalaw sabi! Hindi ako magdadalawang-isip na patayin ka!" Nanlilisik ang mga matang banta ko.
Wala na akong sinayang na oras kaagad akong humakbang papunta ng aking sasakyan at agad pumasok dito. Hindi ko na nilingon ang mga lalaking iyon at pinaandar na lamang ang sasakyan.
Kailangan kong makalayo.
***
"Bwisit!" buong-lakas kong sigaw. Humigpit ang aking hawak sa manibela.
Sandali akong nagpalinga-linga, trying to figure out where the hell am I. I don't know anymore. Saka tinignan ang mga salamin ng sasakyan, wala naman sigurong nakasunod. Ihininto ko ang sasakyan sa gilid ng daan. Mapuno at halos walang dumadaan sa parteng ito.
"Malalaman ko rin kung sinong may pakana ng lahat ng ito." Mahina kong sabi. Hinawakan ko ang aking braso, hindi ko mapigilang mapapikit sa kirot. Tssk. Nabalian pa yata ako. Mas malala pa ito sa huling pinsalang natamo ko noon sa laban ko underground battle. Naigagalaw ko pa naman ang aking braso noon, hindi tulad ngayon na kaunting galaw lang ay masakit na.
Napasandal na lamang ako at isinara ang mga mata. Ang mga hayop na 'yon...
Malalalim ang aking buntong-hininga habang binabalikan sa isip ang mga nangyari. AlpSanay na ako sa sakit. Kaya kong indahin ito. Kaya-
Napadilat ako ng mga mata. Tama, kaya kong magtiis ng sakit. Kung noon, wala akong ginagawa, mag-iiba na ang ihip ng hangin.
***
"Wala po talaga Ma'am, sa tingin ko ay nasira ang CCTV ng parking area kahapon."
"Ah talaga?" sagot ko sa lalaking nasa harapan ng walang kwentang mga computer at monitor.
"Punyeta kayo! Alam kong gumagana 'yan lagi. Sa tingin mo maniniwala ako na nagkataong nasira ito kahapon? Eksaktong araw na nangyari ito sa akin?" Hindi man lang ako nililingon ng kausap ko. Nasa harap siya ng monitor habang nasa likuran ako. Nais kong batuhin ng silya ang monitor ng kanyang computer.
"Tignan mo kung anong nangyari sa akin dito sa mismong loob ng gusali niyo. Kailangan itong imbestigahan or else magdi-demanda ako. Wala man lang akong makausap sa Admin o ang may-ari?"
BINABASA MO ANG
Dead Heart (#RoseAwardsJune2019)
AçãoSi Reya ay isang underground fighter sa isang organisasyong pinamumunuan ng matataas na tao ng lipunan. She is cold and known to be heartless... as a fighter and even outside the battlefield. Para sa kanya, walang kwenta ang sarili nitong buhay. Nam...