Chapter 46

72 9 0
                                    

(Yow! Nasa kalagitnaan na po tayo 😊, salamat sa pagbabasa. Again, sorry for the wrong grammars and typos. Excited na rin po ako sa mga ganap. Hehe)

Third Person's POV

"Magaling kang kumilatis Lorenzo." Hindi maikukubli sa mukha ng matanda ang pagkamangha habang pinanonood ang fighter na hirap na hirap nang tumayo sa loob ng arena. Nakatingin sila pareho sa malaking screen sa harapan kung saan pinapanood nila ang kasalukuyang laban ng dalawang fighters.

"Hindi naman. Umasa lang ako sa instinct ko" sagot ni Renzo. Humarap sa kaniya si Henry. Mataman niyang tinitigan ang lalaki habang naglalaro sa isip ang maraming bagay. "Instinct? Mahirap 'yan" komento niya.

Napatawa naman si Renzo. "Tama. Mahirap ngang umasa sa instinct lang. But look." Nakangisi si Renzo habang nakikita na halos hindi na makatayo ang lalaki sa ring, hudyat na malapit nang matapos ang laban at magwagi ang kanyang pusta.

"Kakaiba ka talaga Lorenzo Andrews. Paano kung nagkamali ka ng pinili? Hindi rin biro ang halaga ng pinusta mo."

"Barya lang ito sa akin Mr. Wilhenry. Hindi kawalan kung matatalo ako. And besides, nakakaaliw naman palang manood ng ganito. Hindi na masama, nadagdagan ang pera ko. Siguro tataasan ko pa ang pusta sa susunod."

"Well. Glad to hear that. Pinapaalala ko lang ang kasunduan natin Mr. Lorenzo. This is an underground fight. Lahat ng nagaganap sa lugar na ito, mananatili lang dito maliban na lang kung pinayagan ko. At isa pa, kung barya lang sa palagay mo ang perang sinugal mo, diyan tayo nagkaiba dahil para sa akin, ang bawat singko ay mahalaga. Wala ako sa kinatatayuan ko ngayon kung naging maluwag ako sa pera. Lahat may katumbas na halaga maging buhay man iyan ng tao. Kaya kong paikotin sa kamay ko ang mga tao. Nakikita mo ba ang mga nasa paligid ng ring? Lahat ng iyan hawak ko na ang buhay nang hindi nila namamalayan. Masyado silang lulong sa bisyo hanggang sa mawala na ang lahat sa kanila. Malilit na tao sa lipunan, businessmen or even politicians... Wala silang pinagkaiba."

"Ibahin mo ako sa kanila. Dahil titiyakin ko na hindi ako magpapasailalim sa iyo." makahulugang wika ni Renzo.

"I know young man. May potensyal ka pero hindi naman ako papayag na higitan ng kahit sino. Kaya nga maganda kung maging magkasangga tayo. Dumadaan ang mga araw at ramdam ko ang pagtanda kaya dapat ay maisakatuparan ko na ang matagal ko nang pinaghahandaan at minimithi."

"Ano ba ang gusto mong mangyari?" tanong ni Renzo. Tinapik siya ni Henry sa balikat. "Malapit nang mangyari ito, malalaman mo rin. Tatanungin kita Mr. Andrews, gusto mo bang samahan ako at saksihan ito?"

"Tingnan natin Mr. Wilhenry Orrieta."

Napatawa ng malakas si Henry. "Sure Mr. Andrews. How about the partnership? Alam mo namang sa simula pa lang ang nais ko mula sa'yo."

"Well, nasabi ko na ang sagot ko dati pa man." Biglang nawala ang ngiti sa mukha ni Henry sa narinig na pagtangging muli ng kausap.

"Pero nais kong pag-isipang muli ang lahat." Nabuhayang muli ang matanda sa sinabi ni Renzo. Magsasalita sana siya nang biglang tumunog ang kaniyang cellphone. Inilabas niya ito at binasa ang caller, pagkatapos ay tumingin kay Renzo. "I'll excuse myself. Kailangan kong sagutin ang tawag."

"Yes?" tanong ni Henry sa kausap sa telepono. Tahimik niyang pinakinggan ang sinasabi ng nasa kabilang linya.

"No. Papasukin niyo siya." Iyon lang at agad na pinindot niya ang end button.

Tumingin siya kay Renzo na inaabala ang sarili sa panonood ng katatapos lang na laban. Napangisi siya nang manalo ang kaniyang manok. "It was fun."

"Well, good."

"Bakit parang nakarinig ka ng magandang balita Mr. Orrieta? Nagtataka siya  sa biglaang pag-aliwalas ng mukha ng matanda na malamang ay dulot ng kaniyang kausap sa phone kanina.

Dead Heart (#RoseAwardsJune2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon