Chapter 5 Confrontations

349 84 74
                                    

-unedited-

***
Third Person's POV

"Kamusta? Mukhang naging maganda ang buhay mo sa abroad." Komento ni Celine kay Renzo. Hindi siya makapaniwala hanggang ngayon sa malaking pagbabago sa binata. Magkatapat sila ng inuupang couch. Isang lamesa ang nasa gitna.

Kinuha ni Renzo mula sa lamesa ang baso na naglalaman ng juice.
"Hindi naman. I just have to accept my fate." Nais sanang sabihin ni Renzo na pinagsisisihan niya ang pag-alis ngunit hindi na lang niya itinuloy.

"Accept? Oo, tama ka. Acceptance, that's what we should do." Nagbago ang ekspresyon sa mukha ni Celine. Kung kanina ay maaliwalas ito, ngayon ay napakaseryoso na. Sa umpisa pa lang, alam na niya na mauungkat at mauungkat ang nakaraan. Kanina pa niya pinagmamasdan si Renzo at isang bagay ang napansin niya. His eyes - walang kabuhay-buhay. At ni hindi man lang siya nginitian kahit isang beses. Kahit anong pilit niyang magpakita ng kasiglahan, hindi pa rin niya magawang mapangiti ang lalaki.

"How? Hindi ko kayang kalimutan at tanggapin na lang ang lahat."

"Nangyari na ang nangyari. Eight years Renzo... Its been eight years. We have to move on. Para na lang kay Merian." Said Celine.

"Eight years, pero parang kahapon lang nangyari ang lahat. Kung hindi ko sana siya iniwan. Kung hindi lang sana ako naduwag!" Labis ang pagsisisi niya.

"Renzo, wala kang kasalanan. Walang may gusto ng mga nangyari. Iyon ang hiningi ng kapalaran. Move on."

"I can't. Bakit? Naniniwala ka ba na nagkasala si tito Roman sa batas?" Renzo asked referring to Roman Felipe, Merian Felipe's father. Hindi kaagad nakasagot si Celine.

"Matagal nang tapos ang kaso ni tito Roman." Nakatungo niyang usal.

"You didn't answer me..." -Renzo

"Magagawa ba ni Merian na wakasan ang buhay niya? She's a woman with deep faith to God. Hindi siya gagawa ng bagay na alam niyang mali at kasalanan sa Diyos." Renzo is so certain on he's saying. May tiwala siya sa dating kasintahan at ama nito.

Hindi naimik si Celine. Alam niyang maaaring may katotohanan ang sinasabi ng lalaki. Pero, wala siyang magawa kundi ang manahimik na lang.

"Sabihin mo sa'kin, what happened during that days... please, everything." He sounds pleading.

"Not yet Renzo." Napatitig sa kausap. Hinihintay nitong magbawi siya ng sinabi.

"Magku-kwento ako. But not now Renzo. Para rin sa iyo ang ginagawa ko. Trust me okay?"

***
Reya's POV

I was holding my phone a while ago, but now its already on the floor... crushed. Damn!! I tried calling Henry, pero mukhang nagpalit na naman siya ng numero. Sa inis ko, hinagis ko sa sahig ang phone ko. How dare him! Alam ba niya kung gaano ko binaba ang pride ko para lang tawagan siya?

Hindi ko pinansin ang paglitaw ni Arthur. Dapat wala na siya rito ngayon sa pamamahay niya. He's always an early bird, either for a business matters OR para sa mga trabaho niya sa organisasyon. Lumapit siya sa akin, pero sa basag na gadget nakatingin.

"Childish." He commented. Haist!

Tinalikuran ko siya at sa napatungo sa ibaba ng terrace. It's already ten in the morning and the whole place is as quiet as a ghost town. Well, he has maids but not allowed to come here at third floor without his permission. Ang balcony lang ang gusto kong parte ng bahay niya. Dito ako tumatambay kapag kailangan kong magpunta rito.

"Can I go now?" Matigas kong tanong. Now he treats me like a prisoner. Ayaw niya akong paalisin. Kanina, inanyayahan niya kong magbreakfast kasabay siya, paanyayang bawal ang pagtanggi... at paano ko ba idi-describe ang breakfast namin? - IRRITATING.

Dead Heart (#RoseAwardsJune2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon