Chapter 1 Pink is Dark

1.1K 121 142
                                    

REYA'S POV

"WHOOOAHH!" malakas na hiyawan ng mga tao pagkapasok ko sa malahawlang ring. Nababalutan ng itim na kasuotan ang aking buong katawan maging ang aking mukha. Tanging mga mata lamang ang makikita. I see to it that no one can read the reflection on my eyes kaya nagsuot din ako ng itim na contact lense. I look like a ninja. Every fighter should wear masks to hide their true identity.

I am Pink. And tonight, I'll be fighting again.

Nauna nang tinawag ang makakalaban ko kanina. Nakapwesto siya sa kabilang side ng ring. He calls himself Drago. Isang matabang lalaki ito na nakasuot ng white sando and pant. He looks like a wrestler.

Nagring ang bell bilang hudyat na umpisa na ng laban. Dito, isang round lang. Ang matitirang nakatayo matapos ang oras o kaya'y mas maraming pinsalang nagawa sa kalaban ang mananalo.

Kaagad akong sinugod ng aking kalaban. I saw it coming pero hindi ko inilagan ang suntok niya sa pisngi ko.

Mahina...

Ni hindi man lang ako natinag sa kinatatayuan ko. In just a few seconds, I know pwede ko siyang mapatumba.

Inatake ulit ako ng kalaban. This time, sinangga ko ang sipa niya.

Yeah, kaya ko siya. Pero pasalamat siya at iba ang plano ko ngayon.

Hinayaan kong tumama sa akin ang mga atake nito. Walang tigil ang hiyawan ng mga tao. Tssk... mga taong halang ang kaluluwa.Mga hayop sa anyo ng tao.

Matapos ang ilang minuto ay bumagsak ako sa sahig. Umakto akong parang hirap na hirap sabayan ang mga sipa at suntok nito. At ngayon, bugbog-sarado ang inabot ko.

Napangisi ako. This is my world. I hate pain... Pero ito parati ang nararamdaman ko.

"Walang kwenta!" Sigaw sa akin ni Drago. Napangisi ako ulit. I know malakas ang ginawa niyang sipa sa binti ko kanina. Kung alam mo lang. Kaya kong doblehin ang ginawa mo sa'kin. Pero gusto kong masaktan eh.

Napatingala ako sa itaas kung nasaan ang mga salaming harang sa ikalawang palapag ng Arena. Sa likod ng mga iyan ay nanonood ang organisasyon, kasama ng mga bigatin nilang kliyente. Mga hayop pa sa hayop! Mga ganid at demonyo.

Bumalik ang atensyon ko kay Drago at sa announcer na nagsasalita. Drago won.

Ganito naman talaga palagi. Habang ako ay hindi na pinansin. Walang kwenta ang lugar na ito. Puro patapon sa lipunan ang mga narito. Hindi ko na pinatapos ang kanilang seremonyas.

Hirap na hirap akong tumayo. Wala na akong pakialam sa mga hiyawan at ingay sa paligid ko. Sanay na ko sa mga ito.

Ramdam na ramdam ko ang sakit sa buo kong katawan. Sa likod ng aking maskara ay isang mapait na pagngiti ang aking ginawa.

I'm living in hell.

Pumasok ako sa pintong patungo sa silid na nakalaan para sa akin. This place is full of secret rooms where slaves are kept. Isa ako sa mga aliping ito. Pagpasok ko sa loob ay siya namang pagharang sa akin ng mga lalaking nakaputi.

"Pink." Sabi sa akin ng isa sa tatlong lalaki. I already know what he means.

"Hindi ko kailangang magpagamot. I'm okay." Matigas kong sabi. Mga medics sila.

Of course, ayaw ng mga nakatataas na may mangyaring masama sa mga alipin nila. They need us for the show. Matapos kang pasabakin sa isang labang maaari mong ikamatay, gagamutin ka ulit. Para saan? Para isabak ka ulit sa isa na namang laban? How ironic.

Nahihirapan silang makakuha ng mga bagong panabong nila kaya hangga't maaari, ayaw nilang mamatayan. Once na maging part ka ng underground fight na ito, hindi ka na makakaalis... Not unless, bitawan ka na nila. Pero hindi ka nakakasigurong buhay ka pa kapag nangyari iyon.

Dead Heart (#RoseAwardsJune2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon