Chapter 3 Foe

422 106 92
                                    

Reya's POV

Nakababa na ako sa ground floor at tinungo ang lugar kung saan naka-park ang aking kotse.

Napansin ko ang isang anino mula sa likuran. Umarte ako na parang walang nakita. And in just few seconds, biglang may umakbay sa akin at nagtutok ng baril sa may tagiliran. Nakasuot ito ng maong na jacket kung saan nakatago ang baril.

"Huwag kang kikilos ng masama kung ayaw mong barilin kita." Bulong niya sa tainga ko. Bullshit! Ang lapit ng bibig niya sa tainga ko. Yuck!

Sobra ang pagpipigil ko para sipain at tadyakan ng pa-ulit-ulit ang lalaki hanggang sa malumpo ito. No, kailangan kong magtiis. I need to know kung sinong may pakana nito.

"What do you want? Money?" Mahinang tanong ko. "Sabihin mong hold-up ito nang mabanatan na kita." Bulong ng utak ko.

"Sumama ka sa'kin." Utos ng hayop.

So someone's behind all this. I'll find out.

Sa di kalayuan ay natanaw ko ang isang security guard ng mall.
"Lakad. Huwag kang sisigaw o magpapahalata sa gwardya kung hindi patay ka." Hinigpitan pa nito ang hawak sa akin. Mukha na siyang nakayakap. Shit talaga! Nanginginig na ang mga tuhod ko, hindi sa takot kundi sa pinipigilang galit. Kailangan kong sumunod sa kanya, sa ngayon...

Bahagya kong inangat ang aking ulo paharap sa lalaking may hawak sa akin. Diniinan nito ang baril sa balat ko.

"Sa daan ka tumingin." Utos niya. Maghintay ka lang, babawi ako sa'yo. I want to take a glimpse of his ugly face pero hindi ko makita ang mukha niya dahil sa suot niyang sumbrero.

Nilampasan lang kami ng gwardya. The heck! Hindi ba marunong makiramdam ang pulpol na gwardyang ito? Tinandaan ko ang pagmumukha niya, ipapatanggal ko siya pagbalik ko.

"Lumapit ka sa kotse mo at buksan mo ito." Bulong na naman nito sa tainga ko.

Pinilit kong sundin ang sinabi niya kahit nagsisigaw na kumontra ang utak ko. Nang makalapit kami sa kotse ay dumating ang dalawa pang lalaki. Tahimik akong sumunod sa kanila.

Nagsilbing driver ang isa samantalang pinapasok ako sa passenger's seat. Nasa gitna ako ng dalawang pangit na mama. Bullshit!

"SAAN NIYO BA KO DADALHIN! SINO BA KAYO HA! URRRGHHH!" Nagsimula nang lumabas ng highway ang sasakyan. Idinaan ko na lang sa pagsigaw ang matinding galit na nararamdaman ko ngayon. The mere fact na katabi ko ang dalawang pangit na ito ay nakakakulo na ng dugo. Damn! Damn!

Tinapat ng lalaki ang baril nito sa sentido ko. "Ang dami mong tanong. Manahimik ka na lang diyan." Tinignan ko siya ng masama, iyong tipong sagad sa buto. Ikaw ang uunahin ko mamaya.

Nanahimik na lang ako para pakalmahin ang sarili. Not yet time.

KRINNGG! KRINNGG!

Naistorbo ang katahimikan sa loob dahil sa nag-ri-ring na phone. Its mine. No one dares call me. Not even John though siya ang isa sa iilang nakakaalam ng phone number ko.

"Patayin mo nga 'yan." Utos sa akin ng lalaki sa kabilang side ko. Wala itong karapatang utusan ako.

Dahil matigas ang ulo ko, kinuha ko ang cellphone mula sa bag na aking dala. Mariing nakaabang ang dalawa sa gagawin ko.

Hindi pa rin ito natigil sa pagtunog.

Walang anu-ano'y sasagutin ko na sana ang tawag nang hawakan ng lalaking may baril ang kamay ko. Hinawi ko ang kamay nito. Kanina ka pa ha!

"Ay put*...!" Galit na sigaw nung may hawak ng baril.

"Kailangan kong sagutin ito. Wala akong sasabihin sa nangyayari ngayon" Walang emosyong sabi ko. Wala lang. Feel ko lang sagutin ang tawag.

Dead Heart (#RoseAwardsJune2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon