Reya's POV
"What a life" mahina kong bulong. Isinubsob ko ang aking noo sa lamesa. Is this what they call work? Punyemas! Matutuluyan na yata akong mabaliw.
Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Renzo ay inutusan na niya kaagad akong ayusin ang lahat ng kailangan para sa pagiging co-owner ko. Sinabi ko na si John na lang ang mag-aayos, but the fuck, kailangan daw na ako ang kumilos.
"Do it or forget the deal."
Ang sarap tadyakan ng pagmumukha ng lalaking iyon habang sinasabi niya ang mga katagang ito. Ilang araw pa lang pero pakiramdam ko ang dami ko ng ginawa. Sa umaga, inaasikaso ko ang pinasok kong ito at sa gabi hanggang madaling araw ay nasa gym ako ni Derek. Tama, si Derek ang nagmamay-ari ng lugar na pinag-eensayohan ko. Isang lugar na hindi aakalain ng iba na may koneksyon sa organisasyon. Halos lahat ng parokyano nito ay galamay ni Arthur.
I'm almost done with everything. Magiging official share-holder na ako ng mall.
Ilang katok ng pinto ang aking narinig bago bumukas ang pinto.
"Bakit? Pinapasok na ba kita?!" Sita ko na hindi tumitingin.
"Ah, sorry po Ma'am. Akala ko ayos lang na pumasok."
I rolled my eyes as I heard his voice.
"Ano na naman ba? Ikaw na ang bahala sa kung anuman 'yan." Umupo ako ng maayos. Nakayuko si John at mukhamg aligaga.
"Kasi po Ma'am. Ah..."
"Ano ba! Deretsahin mo na ako." Wala ako sa mood, baka sa kanya ko pa ibaling ang inis ko.
"Kasi po nasa labas kanina ang sekretarya ni Mr. Lorenzo. Sinabihan niya ako na puntahan niyo raw si Mr. Andrews sa office niya. Tinatawagan niya raw kayo kanina pa."
Sinadya kong i-silent ang phone ko para walang mang-istorbo.
Napasabunot ako sa buhok ko. Ano na namang problema ng taong iyon?
"Tawagan mo. Sabihin mo umalis ako."
"Ma'am, urgent daw. Kung di kayo magpapakita, madali lang daw niyang mapapawalang-bisa ang lahat."
Nanlaki ang mga mata ko na siyang kinagulat ni John.
"Iyon daw po ang sabi ni Sir Andrews." Mahina niyang sabi.
Pagkatapos kong ilakad ang mga papeles ko at ayusin ang account ko, sasabihin niya ang ganoon?
Tumayo ako at hinila ang sling bag na nasa mesa. Agad akong lumabas nang hindi nagpapaalam kay John.
What if hindi ko siya puntahan? Magpa-late ako ng ilang oras? Totohanin niya kaya ang sinabi niya? Ang dami kong na-iisip na gawin habang nilalampasan ang mga tao sa shop ko.
Nagderetso ako sa exit door habang nag-iisip pa rin kung paano iisahan si Renzo.
Subalit paglabas na paglabas ko ng pinto ay halos mabangga ko na ang isang lalaking naka-gray na Americana dahil sa biglaang pagharang niya sa daan ko. Kamuntik na akong masubsob sa malapad niyang dibdib kung hindi lang ako maagap para huminto.
Napatingala ako sa tangkad niya at gayon na lamang ang panlalaki ng mata ko nang mapagtanto kung sino siya.
Huh! Iniisip ko pa lang kung paano siya iisahan e nasa harap ko na kaagad?
"Why are you here?!" I tried to sound normal.
"Escaping again?" Nang-aakusa niyang tanong na tila ba alam na niya ang gagawin ko.
"Ha-ha. Don't you know na papunta na ako sa office mo? Excited ka yatang makita ang pagmumukha ko at sinundo mo pa ako." Depensa ko. Sinadya kong lakasan ang boses ko.
BINABASA MO ANG
Dead Heart (#RoseAwardsJune2019)
ActionSi Reya ay isang underground fighter sa isang organisasyong pinamumunuan ng matataas na tao ng lipunan. She is cold and known to be heartless... as a fighter and even outside the battlefield. Para sa kanya, walang kwenta ang sarili nitong buhay. Nam...