A/N
Just a short update. Sorry sa typos and grammatical errors and if boring. Na-miss ko talagang magsulat so I tried my best to write the chapter. 😅
------------------------------------------Reya's POV
"Sabihin mo, ano ang nangyari rito?" Mariin kong pinikit ang aking mga mata. Napakaseryoso ng kaniyang boses na animo nag-uutos. Halos hindi ako makapagsalita.
"Answer me." Sa isang iglap, nagbago ang kaniyang tinig. Waring punung-puno ng pag-aalala.
Mas lalong napahigpit ang kapit ko kay Renzo. Siguradong gusot na ang damit niya sa likod. Pilit kong winawaglit sa utak ang mga nangyari kanina habang nasa bisig pa rin niya. I am strong. Hindi ang ganitong sitwasyon ang maaring magpahina sa akin.
Makaraan ang ilang sandali ay ako na ang kusang bumitaw. Tama na ang ilusyon. I need to go back to reality. I don't deserve the comfort from his arms. Its not for me... nor mine.
Nagtama ang aming mga mata. Para siyang magnet na halos ayoko ng tigilang tingnan. Umiling-iling ako.
"He's gone. Hindi niya sinabi sa akin na lilipat siya. Tsk. Ang matandang iyon, pagkatapos naming magka-" napatigil ako saglit. Halos hindi ko mabigkas ang salitang ito. Nag-ipon muna ako ng sapat na lakas ng loob.
"Pagkatapos naming magkaayos? Syempre what do you expect me to feel?!" I almost shout. My skill as an actress never fails me. I am great on lying.
Kumilos ako para tumayo ngunit ang paa kong natapilok kanina ay muntik nang maging sanhi ng aking pagkakatumba. Maagap ang mga kamay ni Renzo para alalayan ako. Namalayan ko na lang na nakahawak na siya sa aking beywang. Nagtama ang aming mga mata habang nakaalalay sa akin. Ilang segundo ang lumipas ngunit walang nagtangkang magpalis ng tingin.
He has this serious stare ngunit hindi nakaligtas sa aking mapanuring mata na nais niyang magtanong... na nag-aalala siya.
"Ganoon ba? Siguradong Hindi ka okay dahil sa biglaang pangyayaring ito." I felt his sympathy. Natigilan ako ng ilang sandali. Nag-iwas ako ng tingin, bumaling sa ibang direksiyon ng hospital na walang katao-tao. Isang malalim na buntong-hininga ang aking pinakawalan.
"Obviously, I'm shocked. But its alright now. At least nagkaayos kami bago maghiwalay. Its for the better. Alam mo na, baka mag-away lang kami ulit kapag hindi siya lumipat." Halos hindi ko maisatinig ang aking nga pinagsasabi. Bago pa siya makapagsalita ay inunahan ko na lang siya.
"Why are you here?"
"Nakita kita kaninang nagmamadaling lumabas. Hindi nga lang ako nakaalis kaagad sa dami ng gustong kumausap sa akin. Lalo na ang media."
"Bakit?" Halos ayaw kumawala sa aking bibig ang salitang aking binitiwan habang hindi makatingin. Bwisit! This is not me. "Bakit nag-effort ka pa na puntahan ako? You can just stay there. Sino ba naman ako?" Sino nga ba ako sa'yo Renzo? Napapikit ako ng ilang sandali.
"I don't know either. Do you think staying at the event isn't my first choice? I have to attend an important invitation. Pero alam kong Hindi ako mapapakali roon. Baka may hindi magandang nangyari. At hindi ako nagsisising sinundan kita."
Napatalikod ako matapos marinig ang kaniyang sinabi. May kung ano sa aking puso ang kumirot. Am I touched?
Nalilito ako. Dapat ba na makaramdam ako ng ganito? Naglakad na lang ako papunta sa aking sasakyang wala ng pag-asang magamit. Ramdam ko ang pagsunod niya sa akin.
"Sa bagay right timing ka." I just said before opening my car's door. Kinuha ko ang bag kong nasa driver's seat.
"Anong nangyari sa sasakyan mo?"
BINABASA MO ANG
Dead Heart (#RoseAwardsJune2019)
ActionSi Reya ay isang underground fighter sa isang organisasyong pinamumunuan ng matataas na tao ng lipunan. She is cold and known to be heartless... as a fighter and even outside the battlefield. Para sa kanya, walang kwenta ang sarili nitong buhay. Nam...