Pagkababa namin ng eroplano ay napalanghap ako sa sariwang hangin at napangiti. Nakasuot ako ng isang makapal na jacket dahil malamig ngayon dito sa Korea. Hindi ako umaalis sa puwesto ko dahil hinihintay ko pa ang dalawang kasama ko.
"Bakit ang tagal niyo?" Nagtatakang tanong ko pagkalapit nila sa'kin, hatak nila ang tig-isang maleta.
"Ito kasing si Shane muntik nang mawala yung maleta niya!"
"Sorry na nga e. Parehas kasi kami ng maleta no'ng mama kanina," napapangusong depensa ni Shane.
"Hay nako! Tara na't gusto ko na munang mahiga sa malambot na kama," pag-iiba ko sa usapan para naman hindi na sila magsagutan pa. Mabilis naman silang tumango sa'kin at tila nabago ang mood ng dalawa.
"After natin magpahinga mag-samgyup tayo!" Excited na wika ni Kate. Nagsimula na kaming maglakad palabas ng airport, sasakay kasi kami ng taxi papunta sa hotel na naka-book para sa'ming tatlo.
"Hindi ka naman mauubusan, 1 week tayo rito, remember?" Sagot ko at napanguso naman siya.
"Kahit na. After kasi nito baka matagal na naman bago tayo ulit magkikita-kita,"
"E sino ba kasi ang palaging busy?" Pagsingit ni Shane sa usapan.
"Si Diana!" Agad na sagot ni Kate. Well, hindi ako makakatanggi. Subsob nga naman kasi ako sa trabaho dahil 'yon lang ang tanging magagawa ko para sa pamilya ko.
"Pasensya na kayo, ha? Parang hindi niyo naman ako kilala," natatawang wika ko.
"Aysus! High school pa lang subsob ka na palagi. Kaya ka nga nasubsob sa ano ni Bae—mmp!"
"Pagpasensyahan mo na si Kate. Madaldal talaga e, sanay ka naman na 'di ba?" wika ni Shane matapos na takpan ang bibig ni Kate.
"Ayos lang. Moved on na ko, guys. 8 years has passed, and I'm stronger now."
"Wow naman! Patikim nga ng stronger na 'yan!" Pang-aasar Kate na ikinailing ko na lang.
"E kayo ba? Moved on na?" Nagkatinginan muna silang dalawa bago muling tumingin sa'kin.
"Si Shane hindi pa raw!"
"Hoy! Anong ako? Baka ikaw!"
"Hay nako. Ayan na naman kayong dalawa. Awat na nga, palagi talaga kayong aso't pusa!" Naiiling na pag-awat ko.
Pagkasakay namin sa taxi ay sinabi na namin ang location kung saan kami bababa.
"Kailan ka last na napunta rito, Kate?" Tanong ni Shane. Magkakatabi kami sa back seat. Pare-parehas naman kaming sexy kaya nagkasya.
"Hindi ko na matandaan. Sinama lang din kasi ako ni Nanay dahil may business trip siya no'n," sagot naman ni Kate.
Hinayaan ko lang silang magdaldalan dahil nasa gilid naman ako, napagigitnaan namin ni Shane si Kate kaya nakatanaw lang ako sa bintana.
"Ikaw, Diana?" Biglang tawag ni Kate sa'kin.
"Huh?" Agad na sagot ko dahil hindi naman ako nakikinig sa usapan nila.
"Paano kung makita natin sila rito? Anong gagawin mo?" Saglit akong nag-loading sa itinanong niya sa'kin dahil honestly, hindi ko rin alam.
"Hindi ko... alam, tatakbo siguro?"
"Lah! Baka nga hindi ka makagalaw e," komento ni Shane sa sinabi ko.
"Ang yabang mo naman, baka ikaw nga ang hindi makagalaw kapag nakita mo ulit yung ex mo," sagot ko sa kaniya.
"Hmmm... ako hahalikan ko siya tapos sabay takbo HAHAHA!" wika ni Kate.
"Tignan na lang natin," natatawang tugon ko.
"Siyempre joke lang! We almost died, years ago." Dagdag niya at bahagya na lang akong tumawa.
Pagkarating namin sa hotel ay nag-log in muna kami bago tuluyang umakyat sa floor kung nasaan ang naka-reserve na room. Ako ang nagbukas dahil ako ang may hawak ng password.
"Ahh~ grabe! Bigla akong inantok," komento ni Kate nang mailapat ang likod sa higaan kaya nahiga rin kami ni Shane sa kani-kaniya naming kama.
"Kailan ka ba hindi inantok?" Komento ni Shane.
Hindi ko na inintindi ang pag-uusap nila, sa halip, pumikit na lang ako at hindi namalayang nakatulog.
"Diana! Diana! Dianaaa!" Dahan-dahan akong napadilat sa panggigising sa'kin ni Kate. Kinusot ko ang mga mata ko at nagtanggal ng muta.
"Bakit?" Inaantok pang sabi ko.
"8 PM na, kumain na tayo ng samgyuppp!"
Humikab ako at saka nag-inat bago umupo.
"Si Shane?"
"Nasa CR, nagbibihis."
"Hmm. Sige, pagkalabas ni Shane aalis na tayo,"
"Hindi ka magbibihis?"
Napakunot ang noo ko. "Bakit? Hindi naman ako pinagpawisan."
"Oh sige, ikaw ang bahala." Kibit-balikat niyang sabi.
Pagkalabas ni Shane sa CR ay kinuha ko na rin agad ang pera at cellphone ko para ilagay sa shoulder bag. Ako raw muna kasi ang manlilibre sa kanila.
As usual ay ako ang nagpatiunang pumunta sa pinto at ito'y binuksan. Lalabas na sana ako pero bigla akong napabalik sa loob nang makita ko ang tatlong pamilyar na mukha na naglalakad sa hallway. Napahawak ako sa dibdib ko dahil malakas ang kabog nito.
"Aray!" Reklamo ni Shane dahil nauntog siya sa likod ko.
"Sorry! Sorry!" Pabulong habang natataranta na sabi ko pagkaharap sa kaniya. Hinihimas na niya ngayon ang parteng nauntog sa noo niya habang nakanguso.
"Anyare ba sa'yo?" Nagtatakang tanong naman ni Kate. Nakatingin silang dalawa sa'kin, nagtataka at naguguluhan.
"I... don't think it's a good idea na mag-samgyup ngayon, b-bukas na lang. Hehe." I excused.
"Ha? Nagugutom na ko ihh!" Pagmamaktol ni Kate.
"Oo nga, at saka nakabihis na kami oh." Sabi naman ni Shane. Napabuntong hininga ako at muling sumilip sa labas ng pinto. Nagchi-chikahan sila! Paano kami makakaraan?! "Ano bang problema?" Tanong ni Shane sa'kin at animo’y nakisilip din kahit wala naman siyang makita dahil nakaharang ako.
Napakagat ako sa ibabang labi ko at humarap sa mga kaibigan ko matapos na muling isara ang pinto.
"Sa tingin ko kasi nandito sila,"
"Sila?" Nagtatakang wika ni Kate at tumango ako bilang tugon.
"Sinong sila?" Nagtatakang wika rin ni Shane habang nakakunot ang noo.
"Ang Exodus," mahinang wika ko ngunit sapat lang upang marinig nila. Sabay na nanlaki ang mga mata nila at bahagya pang umawang ang mga labi dahil sa aking sinabi.
Exodus... is our sweetest nightmare.
BINABASA MO ANG
Love Me Right
Teen FictionA Trio once said... "Oh no, I hope I don't fall." -Diana "Never akong magkakagusto sa isang taong walang modo!" -Shane "Don't worry, you're not my type." -Kate Kung ang tagalog ng magic ay mahika, anong ginagawa ng tadhana? Mapanindigan kaya nila? *...
