•Chapter 11•

16 2 2
                                        

Love Me Right: Babe?

Diana's POV.

Pagkauwi ko sa bahay ay dumiretso agad ako sa kuwarto para magbihis. Sakto naman pagbaba ko ay saka dumating si Lola Maida, may dalang ulam para sa hapunan namin.

Habang kumakain ay hindi ko mapigilan na mapaisip kung sasabihin ko na ba ang totoo kaysa patagalin pa 'to nang sobra.

"May gusto ka bang sabihin?" Tanong ni Lola na nakapagpabalik sa'kin sa realidad. Tumingin ako sa kaniya at nakita na nakatitig siya sa'kin habang naghihintay ng sagot.

Napakagat ako sa ibabang labi ko bago ibinaba ang kutsara at tinidor na hawak ko.

"Opo." Nagtaas siya ng dalawang kilay upang itanong kung ano. "Uhm... 'La, last week pa po kasi kami lumipat ng ibang school nila Shane."

"Ahh. Tungkol doon, nasabi na 'yan sa'kin ni Vicky. Hindi ko na pinaalam sa'yo kasi akala ko alam mo na na kinausap niya ko para roon." Marahan siyang ngumiti sa akin nang makita niyang napakunot ang noo ko. "Natakot ka ba na mag-aalala ako?" Tumango ako bilang tugon.

"Hangga't maaari po kasi ayokong mag-alala kayo sa pag-aaral ko. Ayoko pong dumagdag sa alalahanin niyo sa trabaho." Inabot niya ang kamay ko at saka ito marahang hinaplos.

"H'wag mong isipin 'yong mga ganiyang bagay, apo. Mahal na mahal ka ng Lola tandaan mo 'yan, hmm?" Tumango na lang ako at saka ngumiti. "Kumain ka na, lumalamig na ang pagkain." Muli akong tumango at saka nagpatuloy na kami sa pagkain.

Parang akong nabunutan ng malaking tinik sa dibdib nang malaman na alam na pala ni Lola ang tungkol sa paglipat namin sa Alvantin. Hindi ko na kailangan pang itago ang bagong uniform ko kay Lola, ngunit hindi ko pwedeng sabihin ang tungkol sa pagtra-trabaho ko sa Library ng school.

After naming kumain ay hinugasan ko na muna ang mga pinagkainan bago ako umakyat sa kuwarto ko.

Napangiti ako nang maparaan sa study table ko at nakita roon ang sling shot na sa wakas ay naibalik na ni Kate sa akin. Ito lang kasi ang bagay na naiwan sa'kin ng kababata ko. Kinuha ko 'yon at hinaplos ang initial na nakaukit sa hawakan nito gamit ang hinlalaki ko.

BBH.

*Flasback*

"Diana! May ibibigay ako sa'yo." Wika ni Hyunee habang nakangiti nang malawak sa akin.

Kalaro ko siya palagi, sa lahat ng mga naging kapitbahay namin ay sila lang ang nagtagal dito. Madalas kasi ay umaalis agad ang lumilipat sa katabi naming bahay.

Kalalabas lang namin ng bahay ngayon dahil inaya niya kong maglaro pagkatapos kong mag-almusal kanina. Nakaupo kami ngayon sa tapat ng bahay namin dahil doon may upuan na mahaba na ginawa ng Tatay ko.

"Ano 'yon?" Nagtatakang tanong ko habang sinisilip ang hawak niya na itinatago niya sa likod niya.

"Pikit ka muna."

"Bakit?"

"Basta, pikit ka muna." Napanguso ako at sinunod na lang siya. Pumikit ako at hinintay ang mangyayari.

*smooch!*

Nang maramdaman ko na may dumamping malambot na kung ano sa labi ko ay mabilis akong napadilat at gulat na napatingin sa kaniya.

"Anong ginawa mo?" Nagtatakang tanong ko.

"Kiniss kita." Napahawak ako sa labi ko at masama siyang tinitigan.

Love Me RightMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon