Love Me Right: Morning Prank
Shane's POV.
Linggo ay nag-bonding ang mag-anak at hindi ako sumama. Ayoko namang makisabit dahil kay Kate namang parents 'yon, at saka moment 'yon ni Kate para maka-bonding ang Tatay niya.
Lunes na naman, nahirapan na naman akong humanap ng isusuot kong damit para sa school dahil ang tagal dumating ng uniform namin!
Kumain na muna ako ng almusal bago maligo. And after kong maligo ay lumabas na ko ng CR para magbihis, inilagay ko na rin ang isang pack ng pads sa loob ng bag dahil ramdam ko na anytime ay dadatnan na ko ng dalaw.
Pagkababa ko ay naabutan ko sina Diana at Kate na naghihintay na sa akin sa couch.
"Ikaw na naman ang huli." Naiiling na wika ni Diana.
Napanguso naman ako bago sumagot. "Nahirapan talaga akong mamili ng isusuot. Nauubusan na ko ng style dahil sa tagal ng uniform natin."
Natawa naman silang dalawa at saka tumayo.
"Hayaan mo na, baka mamaya dumating na ‘yon." weika ni Kate.
Naglakad na kami papunta sa kotse at saka isa-isang pumasok hanggang sa magkasya kaming tatlo sa backseat.
Pagkarating namin sa Alvantin ay hindi namin naabutan ang Exodus, baka late sila or nauna na sa aming pumasok. Which is a good thing dahil hindi ko masisilayan ang walang modo na 'yon.
"Himala, malinis ang entrance." komento ni Kate.
"H'wag mo na lang ipanalangin na makasalubong natin sila or what." naiiling na wika ko.
Matiwasay naman kaming naglakad patungo sa building namin. Ngunit pagtapak namin sa huling palapag ng hagdan paakyat ay isang maruming tubig ang bumungad sa amin, sa tingin ko ay pinagluglugan 'to ng mop. At dahil si Kate ang nasa gitna ay sa kaniya ang pinakamaraming nabuhos.
Nakarinig kami ng mga tawanan sa paligid kaya hindi ko naiwasang luminga para tignan sila. At sa isang sulok ay nakita ko ang grupong Exodus na tuwang-tuwa sa nakita.
"Arghhh!" napalingon ako kay Kate. "Ikaw!" Napakunot ang noo ko nang may itinuro siya mula sa grupong Exodus at saka umuusok ang ilong na lumapit. Nagkatinginan kami ni Diana at sinundan si Kate nang lumapit siya sa mga 'yon.
Inabot niya ang blazer ng pinakamatangkad sa grupo na 'yon at mahigpit na hinawakan habang masama ang tingin sa lalaki.
"Ikaw ang may gawa nito, 'no?!"
Ngumisi lang ang lalaki at hinawakan ang kamay ni Kate para puwersahang ipabitaw ang blazer niya bago pinagpag. Tinitigan niya si Kate at bahagyang inilapit ang mukha, pagkatapos ay mas lumawak ang ngisi mula sa kaniyang labi.
"I am just starting." Wika nito at saka siya muling nginisian bago naglakad palagpas sa amin. Sumunod din naman ang iba niya pang kasama, ngunit napansin ko si Kai na nakatitig sa'kin habang nakangisi. Napakunot ang noo ko at napatingin sa suot kong basa na.
Shocks! Bumakat pala 'yong bra ko.
Agad kong tinakpan ang bandang dibdib ko at saka muling tumingin sa kaniya. Bahagya lang siyang tumawa bago tuluyang naglakad kasabay ng mga kasama niya.
Pervert!
"Magbabayad siya." Humahangos na sabi ni Kate at doon lang akong muling napatingin sa kaniya.
"Paano tayo papasok na ganito ang itsura?" Tanong ni Diana. Nagsisi-alisan na rin ang ibang students na hindi naman talaga rito ang building.
Chismis muna bago klase.
BINABASA MO ANG
Love Me Right
Novela JuvenilA Trio once said... "Oh no, I hope I don't fall." -Diana "Never akong magkakagusto sa isang taong walang modo!" -Shane "Don't worry, you're not my type." -Kate Kung ang tagalog ng magic ay mahika, anong ginagawa ng tadhana? Mapanindigan kaya nila? *...