•Chapter 40•

10 4 11
                                    

Love Me Right: VIP Buyer

Kate’s POV.

Parang akong na-estatwa sa kinatatayuan ko nang marinig ‘yon mula kay Diana.  Pinatabi namin siya ni Shane upang kami naman ang sumilip, bahagya naming binuksan ang pinto upang makita ang nasa labas.

At totoo nga ang sinasabi ni Diana, nandito ang Exodus!

“Shemay! Anong gagawin natin?!” nag-aalalang tanong ni Shane matapos kong isarang muli ang pinto.

“Lipat kaya tayo ng hotel?” suhestiyon ni Diana. As much as possible kasi ayaw na namin silang maka-encounter dahil sa nangyari noon.

“Tangik! Sayang binayad natin dito.” tugon ni Shane.

“Eh kaysa naman makasalubong natin sila sa loob ng hotel na ‘to!”

“Oo nga, mas okay nang sa iba tayo manatili at least ilang percent na lang ang chance na makasalubong natin sila kaysa rito.” sang-ayon ko naman kay Diana.

“Eh kailan tayo lilipat?” muling tanong ni Shane.

“Now.” desididong wika ko at saka nauna nang kumilos sa kanila. Kinuha ko ang mga gamit ko na nailabas ko na kanina at saka sila inayang umalis dito sa hotel.

Mabuti na nga lang at wala na ang mga nag-uusap na ‘yon. Nagmadali kaming maglakad nang muling bumukas ang pinto ng room kung saan naroon ang Exodus.

Bakit ba hindi sila mapakali?!

Naglakad kami patungo sa elevator at pinindot ang button upang ito’y bumukas at naghintay ng ilang segundo.

“No way…” tila nataranta si Diana nang pumasok kami sa loob ng elevator.

“Bakit?” kunot ang noong wika ko.

“Papunta ata si Lay dito!”

“HA?!” sabay kaming napalingon ni Shane sa may hallway at napansing palapit nga rito si Lay.

“Shades! Magsuot kayo ng shades!” nagmamadaling wika ko, hinanap ko naman ang black shades ko mula sa bulsa ng long coat ko. Muntik ko pa ‘yong mahulog dahil sa pagmamadali, mabuti na lang at agad ko rin iyong nasalo.

Maayos kaming tumayo sa pinakadulo ng elevator nang habulin ito ni Lay bago pa ito tuluyang sumarado.

Napahawak ako nang mahigpit sa handle ng maleta ko nang bahagya siyang ngumiti sa amin. Sana lang ay hindi niya kami namukhaan.

Tahimik kaming nakarating sa first floor dahil nasa 7th floor lang naman kami ng hotel. Pagkarating namin sa front desk ay ibinalik na namin ang susi at hinayaan na lang ang ibinayad namin.

“Sa tingin niyo namukhaan tayo ni Lay?” nag-aalalang wika ko nang makasakay kami sa taxi. Naghanap kami ng bagong hotel na ilang kilometro ang layo mula sa hotel na pinanggalingan namin.

“Hindi siguro. Makakalimutin ‘yon, ‘di ba? At saka nag-iba na rin tayo ng appearance. Naka-shades din tayo kaya may chance na hindi niya tayo namukhaan.” tiyak na tugon ni Shane.

“Sabagay, may point ka.” tumingin na lang ako sa may bintana dahil this time, si Shane naman ang nasa gitna namin ni Diana.

Kanina ay hindi ko nakikita ang mga malalaking billboards at mga malalaking TV na nadaraanan namin kaya ngayon ko lang nakikita ang mga naroon.

Tulad ng mga nakikita ko through online, ang Exodus ay isa nang sikat na grupo dahil sa mga magagandang kanta nila. Mga model na rin sila ng iba’t-ibang brands at kung minsan ay uma-arte na rin sa mga movie at drama. Malaki ang pinagbago nila mula roon sa nakilala naming Exodus noong high school.

Love Me RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon