•Chapter 27•

9 3 11
                                        

Love Me Right: Noona

Kate's POV.

Nasobrahan na sa pagod ang katawan ng kaibigan ko kaya bumigay na at hindi na kinaya pa. Ang sabi ng nurse ay kailangan niya ng sapat na pahinga, 'yong wala siyang iniisip at ginagawa kundi magpahinga lang ng buong araw.

“Pwede ko bang malaman kung magkano ang pinagsisikapang bayaran ni Diana?” seryosong wika ni Baekhyun habang nakatitig sa natutulog naming kaibigan.

Nagkatinginan kami ni Shane at napabuntong hininga ako bago sumagot.

“170,000 pesos.”

“What?!”

“We tried to help her, pero ayaw niya dahil nahihiya na raw siya sa amin.” wika naman ni Shane.

Napahilamos siya sa mukha niya at mariing napapikit.

“Ako na ang magbabayad.” napakunot ako ng noo sa sinabi niya.

“Pero kilala namin si Diana. Hindi siya titigil hangga't hindi ka niya nababayaran.” wika ko.

“We can talk about that. Basta ang mahalaga, wala na siyang iisiping problema sa Library.” hindi na ko nagsalita pa at tinitigan na lang din si Diana.

“Kate, pwede ba tayong mag-usap sa labas?” wika ni Shane. Tumango naman ako bago kami magpaalam kay Baekhyun at lumabas ng clinic.

“Bakit?” bungad na tanong ko.

“Napapaisip kasi ako kung...sasabihin natin kay Lola Maida ang tungkol dito?”

Napabuntong hininga ako at napayakap sa sarili dahil sa lamig ng gabi, malapit na rin kasing mag-alas otso.

“I think, we have to. For Diana's sake. Pakiusapan na lang natin si Lola na huwag sabihin kay Diana na sinabi natin sa kaniya, tiyak kong magagalit ang kaibigan natin kapag nagkataon.”

“Puntahan na kaya natin hangga't tulog pa si Diana?”

Sumang-ayon ako sa suhestiyon niya at idinial ang numero ng cellphone ni Lola Maida.

“Hello? Kate, hija?”

“Opo, Lola, ako nga po.”

Napatawag ka? Kumusta kayo ng apo ko riyan?”

Saglit akong napatingin kay Shane at nagtaka naman siya kaya umiling ako.

"Uhm...nasaan po kayo ngayon?”

“Nandito na sa bahay namin. Bakit?”

“Pupuntahan ka po namin ngayon, may sasabihin lang po in person.”

“Ayy ganoon ba? Oh sige sige. Mag-iingat kayo.”

“Sige po, salamat.” ibinaba ko na ang phone at saka pinatay ang tawag. Ngayon ay si Kuya Dani naman ang tatawagan ko upang magpasundo.

“Anong sabi ni Lola?”

“Nasa bahay na raw siya.”

Love Me RightMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon