Love Me Right: Exodus
Diana's POV.
Pumasok kami sa building 4 at umakyat sa 3rd floor para roon hanapin ang classroom namin. Nang matagpuan namin 'yon ay sumilip kami sa di-kalakihang butas sa pinto na sapat lang para makita ang loob. Naabutan naming maingay ang klase ngunit hindi naman magulo. Mukhang close na sila sa isa't-isa at heto kami, makikigulo sa klase nila.
Wala silang teacher sa harap kaya siguro malakas ang loob na magdaldalan. Ang ibang naglalakad sa hallway ay napapatingin na sa'ming tatlo dahil nakatayo kami sa labas ng classroom ng 9-C3 at nakasibilyan pa.
"Hindi pa ba tayo papasok?" marahang bulong ni Shane sa'min.
"Teh nakakahiya! Hindi naman pwedeng bida-bida tayong basta na lang pumasok diyan." sagot ko.
"Oo nga, at saka kahit na makapal ang mukha natin ay may kaunting hiya pa rin naman tayo, 'no. Newbie tayo rito kaya dapat muna tayong mahiya. Humble muna," wika naman ni Kate.
"Excuse me, kayo ba yung transferee students?" approach sa'min ng isang lalaki na sa tingin ko ay isang guro rito sa Alvantin. Makapal ang grado ng salamin niya at mukhang nasa 30s pa lang base sa itsura, sa tingin ko ay nasa 5'8 ang height niya.
"Opo, kami nga po." magalang na sagot ni Kate.
"Okay. I'm Mr. Alexandrino Rosete, your homeroom teacher. But you can just call me 'Sir Alex'." naglahad siya ng kamay sa'min at isa-isa naman namin itong tinanggap. "Let's get inside, I'll introduce you to them." dagdag niya at tumango na lang kami bilang tugon.
Kasabay ng pagpasok namin ay siya ring pagtunog ng bell. Matapos na isarado ang pinto ay nagpatiuna munang tumayo sa harap si Sir Alex at saka nagpasimulang magsalita.
Iginala ko ang paningin sa kabuuan ng classroom, airconditioned ang loob kaya ang iba ay naka-sweater at jacket. Maluwang din ito at may locker pa sa pinakalikod. White board ang gamit nila at hindi black board, maaliwalas din ang paligid dahil kulay mint green ang pintura ng dingding at kisame. Mayroon ding wall fan na nakasabit sa magkabilang gilid at dito sa harap kung nasaan ang teacher's table.
"Good morning, class!" masiglang bati ni Sir Alex sa kanila, sabay-sabay namang nagsitayuan ang mga estudyante at binati siya pabalik. Matapos niya silang paupuin ay sinenyasan kami ni sir na bahagya pang lumapit sa kaniya kaya sumunod na lang kami. "These 3 students are the transferees from Hutton High. Sila ang magiging bago ninyong kaklase simula ngayong 3rd grading, don't worry dahil sabi sa'kin ng principal ay mababait naman daw sila." Nilingon kami ni Sir at saka pinapunta sa harapan. "Kindly introduce yourselves, please."
Nagkatinginan kaming tatlo at nagsimula nang magturuan kung sino muna ang magpapakilala.
"Dali na, ikaw na! Naghihintay sila oh." halos pabulong na sabi ni Shane sa'kin.
"Kayo na muna, kayo namili ng school na 'to eh!" pabulong din na tugon ko.
"Psst! H'wag na kayong mag-away, ako na." pagpresinta ni Kate at tumango na lang kami ni Shane.
Tumikhim na muna siya bago tuluyang nagsalita. "Hi! Good morning! My name is Kate Clandestine M. Clemonte, 15 years old at sana pansinin niyo ako rito. Hindi naman ako nangangagat at mababaw din ang kaligayahan ko. Pagpasensyahan niyo na rin kung makita niyo man akong madaldal, hihi!" tumingin si Kate kay Shane bilang senyales na siya na ang susunod na magpapakilala.
"Uhm, good morning! I am Jeremae Shane D. Bernal, 15 years old. Bahala nang kayo ang makakita ng personality ko, pero swear, hindi rin ako nangangagat. Favorite ko rin ang maglaro ng COD at kung minsan ay Mobile Legends." sabay naman nila akong tinignan na dalawa matapos na magpakilala ni Shane.
BINABASA MO ANG
Love Me Right
Novela JuvenilA Trio once said... "Oh no, I hope I don't fall." -Diana "Never akong magkakagusto sa isang taong walang modo!" -Shane "Don't worry, you're not my type." -Kate Kung ang tagalog ng magic ay mahika, anong ginagawa ng tadhana? Mapanindigan kaya nila? *...