•Chapter 21•

12 2 2
                                    

Love Me Right: Jealousy?

Kate's POV.

Kasalukuyan kaming nanonood ng Basketball boys, ang nanalo between Grade 7 and Grade 8 ay ang Grade 8 which is 3 ang lamang. Ngayon ay naghahanda namang maglaban ang Grade 9 and 10. Raptors versus Phoenix. Si Tyrell ang captain namin at si Chanyeol naman ang sa Grade 10.

Nang mag-umpisa ang laro ay si Chanyeol ang nakaagaw ng bola dahil mas mataas ang tinalon niya kaysa kay Tyrell. Una rin silang naka-shoot at 3 points agad mula kay Chanyeol. Masyadong nakabantay ang mga kakampi niya kaya hindi magawang maagaw nila Tyrell ang bola.

Muli na namang naka-shoot ang team ni Chanyeol at 5 points na ang score nila. Maya-maya pa ay naagaw ng Blue Team ang bola kaya naman malakas ang sigawan ngayon ng mga tao. Kung kanina ay kaunti lang ang nandito, ngayon ay halos mapuno na ulit ang Gymnasium.

Humugot ako ng isang malalim na hininga na nagmula pa sa kailaliman ng baga ko at saka ko ito inilabas kasabay ng pagsigaw para mag-cheer.

"Ahhhh!!! Go, Tyrell!!! Woooohhh!" Siyempre, kanino ba dapat ako magche-cheer? Doon ako sa ka-team ko para hindi matawag na traydor. "Go, Tyrell!!! I-shoot mo!!! 3 points!!!" Muling sigaw ko dahil siya ang may hawak ng bola, saglit naman siyang tumingin sa akin at ngumiti. At dahil si Chanyeol ang humaharang sa kaniya ay napalingon din ito sa akin at nakita ko na naman ang nag-aapoy niyang tingin. Sandaling napatikom ang bibig ko at umiwas na ng tingin sa kaniya. Ayokong masunog ng buhay.

Habang distracted si Chanyeol ay umikot naman si Tyrell sa kaliwa at doon ay shinoot niya ang bola sa ring nila.

"3 points!!! Ahhhh!!! Go, Blue Team!!!" Sabay-sabay naming sigaw nila Shane. Halos lumabas na ang ugat ko sa leeg para lamang makapag-cheer ng malakas sa Blue Team.

Muli namang pumuwesto ang mga players habang nasa Blue Team pa rin ang bola. Ang isang kakampi kasi ni Tyrell ang nakakuha matapos na ma-shoot sa ring ang bola. Isho-shoot na sana ng kakampi ni Tyrell ngunit bigla itong nag-mintis at naagaw ng kalaban. Tumakbo sila papunta sa kabilang ring para agawin ang bola.

Pero sadyang mabilis gumalaw ang captain ng Phoenix kaya mabilis siyang nakaiwas para muling i-shoot sa 3 points ang bola.

8/3 na ang score at matatapos na rin ang 12 minutes para sa first quarter. Sa last 2 minutes ng game ay naagaw ng Blue Team ang bola at naka-score ng 3 points, naagaw ulit ng kabila sa huling 30 segundo at naka-shoot pa ng 3 points.

11/6 ang kinalabasan na score bago sila mag-water break.

Nang magsimula ulit ang game para sa 2nd quarter ay ang Red Team na naman ang nakaagaw ng bola. At expected na makaka-three points dahil malalakas ang teammates ni Chanyeol. Sa Blue Team kasi ay palpak pumrotekta ng bola kaya naaagaw, o kaya'y hindi nasho-shoot.

Sa kalagitnaan ng game ay malaki na ang lamang ng Red Team ngunit batid naming kaya pang mahabol 'yon.

"Go, Blue Team!!!"

"Blue Team bawi!!!"

Iyan ang palaging sinisigaw ng panig namin, at kasama kaming nakikisigaw.

"Red Team!!! Go! Go! Go!!!"

"Chanyeol!!! Ahhhh!!! Go, captain!!!"

Naagaw ni Chanyeol ang bola mula kay Tyrell at nilingon niya pa ang sumigaw na babae sa pangalan niya at ito'y itinuro habang tumatakbo papunta sa ring nila. Kunot-noo ko namang nilingon ang babae na halos mahimatay na sa katitili niya.

Nang muli kong ibaling ang tingin ko sa players ay nakita ko si Chanyeol na nakangisi sa akin habang nagdri-dribble. Pagkatapos ay umiwas siya sa aagaw ng bola at mabilis itong hinagis papasok sa loob ng ring.

Love Me RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon