Love Me Right: Misfortune
Diana's POV.
Tulad nga ng sinabi ni Irene, lumibot ulit kami ng school at nakarating sa may pool area. Pumasok kami sa loob at tumambay sa may pinakataas na bleacher.
"Allowed bang tumambay rito?" nag-aalalang tanong ko. Natatakot kasi ako na ma-violate ang rules ng school na 'to, lalo na't hindi ako ang nagbabayad ng tuition ko.
Oo, si Tita Vicky ang nagbabayad ng tuition ko dahil sabi niya ay willing siyang tulungan ako. Gusto ko siyang bayaran pero ayaw niya, si Lola naman ang nagbibigay ng allowance ko. Nakakahiya naman kasi kung kay Tita Vicky pa ko aasa, 'di ba?
Sa grades na lang ako bumabawi sa kanila kaya hindi ko maiwasang masubsob sa pag-aaral. Noong grade 8 kami naranasan namin nila Kate na umakyat sa stage at sabitan ng medal. Kahit na matigas ang ulo ng mga 'to ay hindi pa rin naman napapabayaan ang grades nila.
"Oo naman! Isasarado nila 'to kung hindi," sagot ni Wendy.
"Ano bang pag-uusapan ng teachers? Parang ang tagal naman ata?" naiinip na wika ni Shane.
"Aysus. Parang hindi ka naman nagcu-cutting sa Hutton High!" komento ni Kate.
"Huwow! Ikaw nga ang pasimuno," depensa naman ni Shane.
"Kaya ba kayo na-kick out doon?" tanong naman ni Irene at tumango ang dalawa.
"Si Diana dinamay lang naming mag-transfer dito. Hindi siya pwedeng mahiwalay sa'min kasi siya yung tagabantay namin dito sa school." sagot ni Kate.
"Tagabantay pero kinukuntsaba niyo na h'wag magsumbong kay Tita Vicky." komento ko.
"Siyempre ayaw naming mapaulanan ng bala. Iba pa naman magbunganga 'yon si Nanay, nginig talaga!" natatawang wika ni Kate.
"Halata nga na si Diana ang tagabantay niyo. Pansin ko kasi na hindi siya gaanong madaldal," sang-ayon ni Irene.
"Oo nga. Girl version ka ni D.O! Hindi ba't mahilig ka rin sa mga libro?" wika naman ni Wendy at tumango ako at sumagot.
"Marami na rin akong nabasa na libro, kaso nasira na dahil kinain ng anay."
"Don't worry, kapag nakapasok ka sa library malulula ka dahil sa sobrang dami ng libro. Hanggang 2nd floor 'yon e, pero siyempre may librarian sa baba at taas."
"Uh… naghi-hire ba sila ng taga-linis ng library?" tanong ko dahil gusto ko talagang magkaroon ng trabaho. Malapit na rin ang birthday ni Lola at gusto siyang paghandaan dahil 60 na siya no'n.
"You can ask the librarian though." tugon ni Irene at tumango na lamang ako.
Daraan ako roon mamayang uwian.
"Siya nga pala. Hindi ba vice president natin si Tyrell?" pagbibigay muli ng topic ni Kate.
"Hmm. Tahimik lang 'yon pero kasama siya sa grupo ng Hard Skull." tugon ni Irene.
"Ano naman 'yong Hard Skull? Ang dami naman atang grupo rito?" komento ni Shane.
"Gano'n talaga, sa sobrang laki ng Alvantin hindi maiiwasan na may mabuo na mga ganiyan. Lalo na kung mayayaman ang mga kasapi. Ang pinagkaiba naman ng Hard Skull sa Exodus ay pitong miyembro lang ang mayroon sa kanila. Dalawang grade 12, apat na grade 11 at isang grade 9. Sabi ng seniors, ang Hard Skull ang pinakasikat na grupo simula noong hindi pa pumapasok ang Exodus dito. Sila rin ang pinakakinatatakutan hanggang ngayon, pero malabong matakot sa kanila ang Exodus." mahabang paliwanag ni Irene.
BINABASA MO ANG
Love Me Right
Teen FictionA Trio once said... "Oh no, I hope I don't fall." -Diana "Never akong magkakagusto sa isang taong walang modo!" -Shane "Don't worry, you're not my type." -Kate Kung ang tagalog ng magic ay mahika, anong ginagawa ng tadhana? Mapanindigan kaya nila? *...
