•Chapter 54•

10 1 1
                                        

Love Me Right: Instagram Post

Diana’s POV.

Pagkatapos kong makipag-usap kila Shane ay sa bahay na lang ako nagpahatid para may kasama ako. Mas nakaka-stress kasi kapag mag-isa ka lang, at least dito sa bahay ay may mga kasama ako.

Nakapatay ulit ang cellphone ko para hindi ako maka-receive ng kahit ano. May mga nagd-dm kasi sa akin at kung ano-ano ang mga pinagsasabi kahit na hindi naman nila alam ang mga totoong nangyari.

Kinagabihan ay maaga akong pumasok sa kuwarto ko, kumain naman ako ng lunch at dinner pero hindi ganoon karami. Tahimik lang din ako sa hapag habang nagku-kuwentuhan naman sila Papa. Hindi na ko nakikisali dahil hindi ko naman maintindihan kung ano ang pinag-uusapan nila.

After kong maglinis ng katawan ay nahiga na rin ako sa kama ngunit hindi agad natulog. Tahimik ang paligid at tanging tunog lang ng mga kuliglig at kamay ng orasan ang maririnig, bukas naman ang ilaw sa kuwarto ko pero hindi ko pa rin naiwasan ang magmuni-muni. Kada tahimik ang paligid ko ay nagkukusang pumasok sa isip ko ang mga natatanggap kong hates mula sa fans nina Zania at Baekhyun.

At habang naiisip ko ang mga ‘yon ay nagkukusa ring tumulo ang mga luha ko.

*knock* *knock*

Mabilis kong pinahid ang luha sa pisngi ko at umayos ng upo sa kama ko.

“Pasok!”

Pagkasabi ko no’n ay bumukas ang pinto ng kuwarto ko at iniluwa nito si Papa na may dalang isang baso ng tubig. Nakangiti niya kong tinignan kaya marahan din akong ngumiti.

“Dinalhan na kita ng tubig para hindi ka na bumaba mamaya kapag nauhaw ka,” wika niya habang inilalapag ang isang baso ng tubig sa ibabaw ng bedside table ko. Pagkatapos ay umusog ako para bigyan siya ng space upang makaupo sa tabi ko. “Pwede kang mag-kuwento sa’kin,” masuyong wika niya.

I sighed, “Alam ko namang nakikita mo sa mga social media ang issue tungkol sa akin,”

“Pero magkaiba kayo ng social media, anak kita kaya gusto kong mag-kuwento ka. Mas maniniwala ako sa sarili kong anak kaysa sa sinasabi ng ibang tao online.”

Muli akong napabuntong hininga kasabay ng paggilid ng luha sa aking mga mata, “Nai-kuwento ko naman na sa inyo si Hyunee, right?”

“Hmm. Iisa lang si Baekhyun and Hyunee, at alam ko rin na mahal na mahal mo siya.”

“Bakit gano’n? Nagmamahal lang naman ako pero bakit…b-bakit ganito?” I sobbed. “Mali ba ko magmahal, Pa?”

Bumuntong hininga siya, “Alam mo anak, hindi naman mali ang magmahal. Nagiging mali lang ito kapag mali na ang paraan kung paano mo mahalin ang isang tao. Kaya ngayon gusto kong malaman mismo sa’yo ang totoong nangyari bago lumabas ang issue na ‘yon.”

“2 months nang break sina Baekhyun at Zania simula no’ng naging kami ni Baekhyun, ang sabi niya sa akin gawa lang naman daw sa kontrata ang relationship nila at nag-cheat si Zania kaya wala nang bisa ang contract na gawa-gawa lang din ni Zania.

Then sa ball noong Friday bigla na lang lumabas si Zania at sinabing engaged na sila ni Baek and ako ang third party. Dahil doon bina-bash na ko ng mga fans nila at sinasabihan ng kung ano-ano, kahit yung company ko apektado na rin, Pa. Ang dami nang nag-back out na models and new investors.”

“Anong balak mong gawin niyan?”

Napayuko ako, “Hindi ko pa alam ang gagawin ko, Pa.”

“Gusto kong makausap si Baekhyun,” mabilis akong napaangat ng tingin sa kaniya.

Love Me RightMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon