•Chapter 37•

12 4 12
                                        

Love Me Right: Kidnapped

Shane’s POV.

Matapos ang nangyaring iyon kina Suho at Rocco ay bigla na lang naming hindi nakikitang pumapasok si Amber. Ang bali-balita ay nagmadali raw itong pumunta ng ibang bansa. Hindi namin alam ang dahilan dahil bigla na lang din siyang nawala.

Tapos na ang periodical exam namin, nakapag-check na rin kami at nakapagpasa ng projects. In short, hinihintay na lang namin ang announcement ng summer vacation. Kailangan pa kasi naming magpapirma ng clearance e.

Hindi ko rin sigurado kung uuwi ako roon kila Lola dahil isinama na nila Mommy si Vince doon sa ibang bansa. Tinawagan ako ni Mommy through phone call dahil kinukumusta ang pag-aaral ko, sinend ko rin sa kanila ‘yong grades ko pero wala silang sinabi. Ipagpatuloy ko lang daw ngunit hindi ko man lang naramdaman na proud sila.

Minsan nakakawalang-gana na ring mag-aral, pero dahil may pangarap ako ay magsisikap ako. Magpapatayo pa ko ng sarili kong Bake and Pastry shop.

At dahil clearance na lang naman ang ipinupunta namin ng school ay uma-absent na lang din kami minsan, o kaya naman ay gumagala kapag wala kaming naabutang teacher. Busy kasi sila sa practice ng graduation dahil next month na ‘yon. Ang sabi sa amin, last day ng practice ng graduation ay isasabay ang mga kasama sa recognition. Iisang date lang kasi iyon na gaganapin sa buwan ng April.

Sa section namin ay sampu kaming makakasama sa recognition, hindi ko na ‘yon sinabi pa kila Mommy dahil wala lang din naman sa kanila ‘yon. Si Tito Adam ang magsasabit sa akin ng medal at si Tita Vicky naman ang kay Kate. Samantalang ang magsasabit naman kay Diana ay iyong Tita Emmana niya, iyon na kasi ngayon ang kasama niya sa bahay.

Ang sabi ni Diana sa amin ay dito na rin daw pag-aaralin ng Tita niya ang anak nito dahil naka-graduate naman na raw ng grade 6. At iyong Tita niya ay maghahanap naman ng panibagong trabaho rito dahil nag-resign na siya sa trabaho niya sa probinsya nila. Kaya naman iyong Tito niya na lang ang nandoon kasama ng mga anak nito, mga single parents kasi ang lahat ng anak ni Lola Maida.

April 7, ito na ang araw ng graduation at recognition. Alam nila Lola ang tungkol dito dahil kina Mommy at Daddy ko lang naman hindi sinabi. Mas ramdam ko pa kasi ang pagka-proud ni Lola kaysa sa sarili kong mga magulang.

Nagmadali akong magbihis ng uniform dahil mag-aayos pa kami ng mukha at buhok, minsan lang ‘to mangyari kaya dapat maganda ang magiging itsura namin sa picture.

“Bakla, matagal ka pa ba?” tanong ni Kate mula sa labas ng kuwarto ko after niyang kumatok sa pinto.

“Sandali na lang, nandiyan na ba si Diana?”

“Oo naghihintay na rin sa’yo!”

“Sige na magsimula na kayo, susunod na lang ako sa
kuwarto mo.”

“Okie!” narinig ko ang yabag niya palayo kaya ipinagpatuloy ko na ang pagpapatuyo ko sa buhok. Ginamitan ko na ng blower para mabilis, mas madali kasing ayusan kapag tuyo ang buhok.

Need ko rin pala magsuot ng hikaw kaya muli akong tumayo mula sa upuan ng vanity mirror ko at saka mabilis na pumunta ng cabinet. Nasa malaking box ang lahat ng jewelries ko para safe sila at hindi magkanda-walaan.

Nang makita ko na ang box na nakasiksik sa ilalim ng mga nakatupi kong damit ay agad ko ‘tong hinugot ngunit may sumama na kung ano at nalaglag ito sa may sahig. Kunot-noo ko ‘yong kinuha at saka pinulot upang tignan dahil isa iyong litrato.

Litrato iyon nina Mommy at Daddy, kasama si Lola na may kargang bata. Nakangiti silang tatlo pero parang pilit lang ang kay Mommy. May kasama rin silang isang madre at katabi ito ni Lola. Tinitigan ko ang hawak ni Lola na baby dahil pamilyar ito sa akin, kinuha ko ang cellphone ko upang hanapin ang picture ko noong baby. Sinave ko rito sa cellphone ko dahil baka mawala ‘yong printed copy.

Love Me RightMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon