Love Me Right: Missing
Kate's POV.
It's been 3 days since nag-start ang training for our Sportsfest. Lahat ay busy, maging teachers. Ang ibang hindi kasali sa Sports ay nasa classroom lang at hindi pwede magpagala-gala sa labas.
Ang training schedule namin ay salitan. Kapag morning ang training, papasok kami ng afternoon class. Tapos kapag afternoon naman ang training, papasok kami ng morning class. Hindi naman ganoon kahirap dahil karamihan din ng teachers ay hindi uma-attend sa klase dahil busy sa pag-train. Nagkataon naman na parehas kami ng schedule ni Shane kaya nagkakasabay kami.
Papunta ako ngayon sa Field dahil doon ang place namin para mag-practice ng Archery, since malawak naman ang lugar ay hinahati 'yon sa tatlo kapag schedule na namin. Badminton, Archery, at Sepak. Kapag Soccer naman ay sakop nila ang Field, sa palibot no'n ay may Oval kaya roon naman nagpra-practice ang sa Running. Sa Gym ay may schedule din ang bawat nagpra-practice. Basketball (boys and girls), Long Tennis, Table Tennis, Volleyball (boys and girls), Taekwondo at Arnis. Ang sa Chess naman ay sa SSC's Office ang practice, at siyempre sa pool area ang Swimming. While Mr. And Ms. Sportsfest ay kani-kaniyang lugar dahil secret ang performance nila for now.
"Kate! You're Kate, right?" Nagtaka ako kaya napakunot ang noo ko nang tinignan ang ka-team ni Shane sa Volleyball at saka tumango. "Nakita mo ba si Shane? Kanina pa kasi namin siya hinahanap e."
"Ha? Hindi ko naman siya kasama, hindi ba't dapat kayo ang kasama niya ngayon?" Nagtatakang tugon ko.
"Eh ayun na nga, kanina kasama pa namin siya. Nagpaalam lang na magc-cr pero hindi na bumalik, tapos ngayon hindi namin siya makita."
"Tinignan niyo na ba siya sa lahat ng CR?" Tumango siya bilang tugon.
"Wala rin siya roon."
"Oh sige, hanapin natin siya. Doon ako sa Gym." Muli lang siyang tumango at inaya ang iba niya pang kasama. Mabilis naman akong naglakad patungo sa Gymnasium, since masyadong malawak ang daan patungo roon ay lakad-takbo na lang ang ginawa ko.
Pagpasok ko ng Gym ay napahawak ako sa tuhod ko dahil hindi biro ang distansya mula sa Field hanggang dito. Pumunta ako rito dahil baka nandito si Shane at nauna na para sa practice nila mamaya.
Inilibot ko ang paningin ko at nakitang nagliligpit na ng gamit sila Chanyeol, habang sila Tyrell naman ang pumalit sa kanila para mag-practice ng basketball.
"Ah!" Daing ko nang matamaan ng bola sa ulo habang palakad sa kinaroroonan nila Chanyeol.
"Kate! I'm sorry! Are you okay?" Nag-aalalang tanong ni Tyrell matapos na patakbong lumapit sa akin. Tumango ako habang nakahawak pa rin sa ulo.
Sa lakas ng pagkakatama, pakiramdam ko naalog ang buong pagkatao ko.
"Yeah, I'm fine. Hindi naman malala."
"Why are you here, by the way?" Umiling ako.
"I was just looking for my friend."
"Mr. Flounder!" Napalingon kami nang tawagin siya ng coach niya, kaya naman sinenyasan ko siya na bumalik na sa practice nila.
"Sorry ulit." Tinanguan ko na lang siya bilang tugon at saka bumaling kay Chanyeol para sa kaniya magtanong. Ngunit nakita ko sila na naglalakad na palabas ng Gym, kasama niya sila Lay, Sehun, at Xiumin. Palagay ko ay teammates niya.
"Chanyeol!" Hindi siya lumingon kaya nagpasya akong pumunta sa bleachers at doon siya hinabol. "Chanyeol, sandali!" Muling wika ko pero hindi pa rin siya lumingon. Tuloy-tuloy lang ang lakad niya kaya nainis na ko. Sigurado ako na naririnig niya naman ako dahil malakas ang pagkakatawag ko, at napalingon din ang tatlo niyang kasama.

BINABASA MO ANG
Love Me Right
Подростковая литератураA Trio once said... "Oh no, I hope I don't fall." -Diana "Never akong magkakagusto sa isang taong walang modo!" -Shane "Don't worry, you're not my type." -Kate Kung ang tagalog ng magic ay mahika, anong ginagawa ng tadhana? Mapanindigan kaya nila? *...