•Chapter 8•

16 2 1
                                    

Love Me Right: Family

Shane's POV.

Nagmadali akong mag-CR dahil hindi ko maiwasang mag-isip ng kung ano-ano lalo na't ako lang ang mag-isa rito. Pagkalabas ko ng cubicle ay sandali ko lang na chineck ang sarili ko sa salamin bago tuluyang lumabas ng CR. Iniisip ko kasi na baka mamaya ay may bigla na lang na magpakitang mumu sa likuran ko.

Hindi ko naman sinasadyang iwan si Kate doon, hindi lang kasi talaga nakisama ang pantog ko.

Maglalakad na sana ako pabalik sa dead space ngunit nakita ko si Kate na patungo na rin dito.

"Tapos na?" Nagtatakang tanong ko.

Umiling naman siya at bumuntong hininga. "Nahuli ako."

Natawa naman ako sa sinabi niya kaya sinamaan niya ko ng tingin na agad na nagpatigil sa akin.

"Halika na sa Library, baka hinihintay na tayo ni Diana." Inakbayan ko siya at nagsimula na rin kaming lumakad. "Paano ka nahuli?"

"Ewan ko. Nakaramdam siguro, tapos sabi niya pa, 'you started a game, though'. Eh hindi ko naman alam ang tinutukoy niyang 'game', iginanti ko lang si Diana!" Kunot ang noong wika niya at saka ipinagkrus ang mga braso.

"Hala ka! Baka balikan ka ng Exodus or more likely... ni Chanyeol."

"Mm-mm." wika niya naman habang umiiling. "Sa Monday natin 'yan malalaman."

Nagkibit-balikat na lang ako at tahimik na nakarating ng Library. Naabutan namin si Diana na naglilinis na sa first floor. Gano'n ba kami katagal?

"Tapos mo na agad sa taas?" bungad na tanong ko at saka namin ibinaba ni Kate ang bag sa isang table kung saan doon din nakalagay ang bag ni Diana.

"Oo. As usual, kaunti lang din naman kasi ang kalat doon. Mas marami rito." sagot ni Diana.

"Eh rito sa first floor, ano nang nagawa mo?" tanong naman ni Kate.

"Kasisimula ko pa lang din magwalis pero hindi ko pa tapos 'yong sa mga libro." tugon ni Diana habang abala sa ginagawa, malawak din kasi ang sahig kaya nakakapagod walisin.

"Mabuti't walang putik-putik." komento ko habang nakatingin sa sahig.

"Maghintay ka ng tag-ulan, tignan natin kung gaano kadisiplina ang students dito." pagsingit ni Kate at napailing na lang ako.

Naglakad na ko papunta sa shelves kung saan may magulong libro at sumunod naman sa'kin si Kate.

"Ano? May plano ka na naman ba kay Chanyeol?"

"Wala na, sapat na 'yong dalawang araw. Baka bawian na ko kapag tinatlo ko pa."

Bahagya naman akong natawa at umiling. "Baka nga kahit hindi mo na tinatlo babawian ka pa rin eh."

"Subukan niya lang, edi babawian ko rin."

"Wow, competitive!"

"Kailangan 'yon, 'no!"

Inilingan ko na lang siya habang nakangiti at saka mabilis na tinapos ang gawain.

Pagkarating namin sa bahay ay nagmadali na ring umuwi si Diana dahil ayaw niyang maabutan siya ng Lola niya.

Pagkapasok ko ng kuwarto ay agad akong nahiga dahil sa pagod ko sa buong maghapon. Pipikit na sana ako ngunit nakarinig ako ng ilang pagkatok.

"Shaneee!"

Napabuntong hininga ako at tamad na tumayo para buksan ang pinto.

"Ba—" magsasalita pa lang ako ngunit agad na siyang pumasok sa loob at isinarang muli ang pinto.

Love Me RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon