•Chapter 31•

13 2 9
                                    

Love Me Right: Family Dinner

Shane's POV.

“Don't you dare invite them to that dangerous place of yours.” malamig at seryosong wika ni Suho.

“What happened?” tanong sa akin ni Kai pagkalapit.

“Mamaya ko na iku-kuwento.” tumango na lang siya sa itinugon ko at tumingin na ulit sa dalawang leader ng magkaibang grupo. This is unexpected, and at the same time ay nakakatakot dahil baka rito pa sila magbardagulan.

“Oh, yeah?” malaki ang ngisi ni Rocco nang tumingin sa aming tatlong magkakaibigan. Habang tumatagal na nakikita ko ang mukha ni Rocco ay mas gumagapang ang kaba sa akin. “Okay, then. Ngayon lang ako magbibigay ng chance.” makahulugang tingin ang iniwan niya sa amin bago siya tuluyang tumalikod. Hindi na sila um-order ng pagkain at nagpasya na lang na umalis. Pero bago sila tuluyang makalabas ay nakita ko ang simpleng pagsulyap ni Tyrell kay Kate.

“Ako nang bahalang maglinis dito, magpagamot ka muna sa clinic.” dinig kong wika ni Kate kaya napalingon ako sa gawi nila. Hawak ni Diana ang kamay niyang tinapakan ni Amber.

Speaking of, nasaan ang mga Chaka?

Inilibot ko ang paningin ko upang hanapin sila pero wala na sila rito sa Cafeteria.

“Pero lunch break pa, mamaya na lang after.”

“Ayy oo nga pala, sige kumain na muna tayo.” tugon ni Kate.

“Doon na lang kayo sa table namin, ako na ang bahala sa pagkain ni Diana.” wika naman ni Baekhyun.

“H'wag na, roon na lang kami sa table namin.” pagtanggi ni Diana.

“Diana, h'wag ka nang makulit. Kahit ano pang tanggi mo, pinag-uusapan na tayo rito ngayon.” wika ni Baekhyun sa kaniya.

“Baek's right, dalian na natin dahil mauubos na ang oras.” pagsingit ni Suho kaya kumilos na kami. Itinuro nila 'yong table nila bago sila um-order ng pagkain nila. Isinama ni Baekhyun si Diana upang papiliin ng kaniyang kakainin.

“Ano bang nangyari?” tanong sa akin ni Kai pagkaupo niya sa tabi ko.

“Nagsimula 'yon sa kaartehan ni Amber!” inis na panimula ko. “Hindi naman siya natapunan tapos pinagso-sorry niya si Diana. No'ng hindi siya pinakinggan ng kaibigan ko, tinapakan niya 'yong kamay noong nagpupulot na ng pagkaing natapon. Tapos sinugod siya ngayon ni Kate dahil sa gigil, then ako naman hinampas ko ng tray si Helena dahil sasabunutan niya si Kate.”

“Tapos dumating na 'yong Hard Skull?” wika ni Suho, nagsisidatingan na rin ang ibang members at dala ang pagkain na in-order nila. Naupo si Suho sa harap ko at tinanguan ko siya bilang tugon. “As much as possible, you must avoid them. Mas delikado pa sila sa naiisip niyong delikado.”

“How about the Teenage Dolls? Masyado silang epal sa buhay namin!” inis na wika naman ni Kate.

“I agree. Sila na lang ang palaging naghahanap ng away at unang sumusugod sa amin.” sang-ayon ko naman. Nagsimula na rin kaming kumain dahil tumatakbo ang oras.

“Dumating lang naman ang Teenage Dolls simula noong dumating kami. Sa totoo lang, Hard Skull lang ang nag-iisang group dito sa Alvantin noon. Pero biglang nag-iba noong dumating kami at nakisali na rin ang grupo ng mga babae na 'yon.”

“Ano nga bang ganap ng Teenage Dolls?” taas-kilay na tanong ko.

“Flirting.” natatawang wika ni Kai.

“At binubully ang mga babae na kinakalaban sila.” dagdag ni Sehun.

“Tss! Sinasapok-sapok ko nga lang 'yong leader nila.” natatawang wika ni Kate at natawa naman ako dahil totoo naman.

Love Me RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon