•Chapter 03•

16 2 4
                                    

Love Me Right: Phone Number

Diana's POV.

2nd day namin sa Alvantin, as usual ay sabay-sabay kaming pumasok nina Kate at Shane dahil sila ang may kotse. Pagkarating sa classroom ay naupo na agad kami sa puwesto namin ngunit hindi namin nakita si Irene sa upuan niya. Si Wendy naman ay busy sa cellphone at earphones dahil wala siyang kausap, sa palagay ko ay nakikinig ng music or nanonood sa YouTube.

Dahil wala pa namang teacher ay tumayo ako mula sa upuan at umikot papunta sa upuan ni Kate. Hindi ko kasi nasabi sa kaniya ang tungkol sa nakita ko kahapon dahil nawala rin sa isip ko, ngayon ko lang naalala dahil nakita ko yung class VP namin.

"Kate," marahang bulong ko. At dahil chismosa si Shane ay pati siya ay lumingon sa'kin.

"Bakit?" nagtatakang baling ni Kate sa'kin.

"Nakikita mo 'yong class VP natin?"

"Oo, siyempre may mata ako at saka classmate natin 'yon."

Tss.

Sinamaan ko siya ng tingin bago sumagot. "Kahapon kasi nahuli ko siyang titig na titig sa'yo." Bahagya namang nanlaki ang mga mata niya dahil sa sinabi ko at saglit ding napatingin doon sa vice president namin.


"Ano na ulit name niya?" may bahid ng kilig na tanong niya.

"Nakalimutan ko na." napapakamot sa ulo na wika ko.

"Tyrell." mahinang sabi ni Shane at nagliwanag naman ang mukha namin ni Kate dahil naalala na rin namin.

"He's such a cutieee… hihi!" wika ni Kate habang pasimpleng nakatingin sa pinag-uusapan namin.

"Huy! Magdahan-dahan ka, baka mamaya may girlfriend na 'yan." wika ko naman para putulin ang pagpapantasya niya.

"Ayy kung sabagay, ayokong maging kabit 'no." tumango na lang ako habang natatawa at bumalik na rin agad sa puwesto ko.

Napansin ko naman ang bag na nakalapag sa upuan at sigurado akong si Irene ang may-ari nito kaya hindi ko na naiwasang marahang kalabitin si Wendy upang magtanong.

"Hmm?" tanong niya habang nakataas ang dalawang kilay. Tinanggal niya rin ang isang earplug para marinig ang sasabihin ko.

"Kay Irene 'to, 'di ba?" tanong ko at marahan naman siyang tumango. "Nasaan siya?"

"Pinatawag siya roon sa faculty, ewan ko kung bakit."

"Oh, okay..." ngumiti na lang siya at muling bumalik sa ginagawa.

"Bakit mo hinahanap si pres?" tanong naman sa'kin ni Shane.

"Wala lang. Curious lang naman ako dahil hindi natin siya inabutan dito."

Kasabay ng pag-ayos ko ng upo ay siya namang pagbukas ng pinto at iniluwa nito ang president ng klase namin.

"Guys, good news!" malawak ang ngiting wika niya habang isinasarado ang pinto. Nang makapunta siya sa harap ay doon niya lang itinuloy ang pagsasalita. "May meeting ang teachers at mukhang mahaba-haba ang oras dahil marami ata silang pag-uusapan." sabay-sabay namang nag-react ang mga kaklase namin dahil makakapagdaldalan sila. "Ang sabi ni sir sa'kin pwede raw tayong tumambay sa dead space, pero once na mag-ring na ang bell ay dapat na tayong magsibalik sa classroom dahil ibig sabihin no'n ay tapos na ang meeting ng teachers."

Love Me RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon