Love Me Right: Flashback
Diana's POV.
Na-meeting kami na magkakaroon daw kami ng sportsfest sa November 24 to 26. Magkakalaban ang grade 7 hanggang grade 12 kaya anim na team ang mayroon kami.
•Grade 7 (Green)- Alligators.
•Grade 8 (Yellow)- Tigers.
•Grade 9 (Blue)- Raptors.
•Grade 10 (Red)- Phoenix.
•Grade 11 (White)- Wolves.
•Grade 12 (Purple)- Sharks.Iyan ang mga isinulat ko kanina habang mini-meeting kami sa Gym. Sakto nga ang kulay namin dahil favorite ko ang Blue, magsisimula na raw silang maglista ng mga sasali sa sports para makapag-training na. Halos 1 week and a half lang kasi ang itatagal no'n bago ganapin ang sportsfest.
"Diana." Nilingon ko si Kate nang tawagin niya ko, papunta kami ngayon sa dead space since katatapos lang namin kumain ng lunch. "Anong sasalihan mong sports? Sali tayo! Mag-iikot na raw 'yong SSC mamaya."
"Hindi ako interesado e, at saka wala akong magiging panahon para mag-practice since naglilinis ako sa Library."
"Sayang naman 'yon, ako sasali ako sa Archery e."
"Eh? Ikaw, Shane?"
"Volleyball sa'kin. Magpapalista na ko mamaya at saka si Kate. Ikaw ba, ayaw mo talaga?" Inilingan ko siya at nagpatiunang umupo nang makahanap na kami ng puwesto.
"Mas priority kong makaipon e." Tugon ko.
"Ayaw mo bang mag-take muna ng break?" Tanong ni Kate.
"Sa sitwasyon namin, bawal 'yon." Wika ko at marahang tumawa.
"Hmmm...sabagay, ikaw naman ang may hawak sa desisyon mo, support mo na lang kami kung gano'n." Wika naman ni Shane.
"Oo naman! Kayo pa ba?"
"Anyway, balita ko sasali raw sa Mr. And Ms. Sportsfest si Irene ah?" Pag-iiba ni Kate sa topic.
"Weh? Kailan niya sinabi sa'yo?" Tanong naman ni Shane.
"Si Wendy ang nagsabi sa akin, hindi si Irene."
"Wow! Edi makikita natin siyang rumampa?!" Excited na wika ko. Tumango naman sila sa akin.
"Beauty and brain, oh 'di ba! May representative na ang grade 9!" Proud na wika naman ni Shane.
"Si Tyrell daw 'yong captain sa basketball ng grade 9?" Tanong ko at tumango naman si Kate.
"Iyan ang sabi e, narinig ko rin kanina sa classmates natin. Pero hindi ko sure ah?" Tugon niya.
"Eh malakas daw maglaro 'yon kaya h'wag na tayo magtaka kung siya ang gagawing captain ng coach." Komento ni Shane. Nagkibit balikat na lang kami ni Kate at napasabi ng 'sabagay'.
"Oh shit!" Sabay-sabay kaming napatayo nang buhusan ni Amber ng fruit shake si Kate sa ulo. "Ano ba!" Inis na wika ni Kate habang masama ang titig kay Amber. "Ano bang problema mo, ha?!" Nilapitan namin siya ni Shane at tinulungang alisin ang ibang blended ice sa uniform niya, hindi naman ganoon karami ang nasaboy. Pero sure ako na malagkit pa rin 'to, may afternoon class pa kami!
Nagtaas ng isang kilay si Amber at ipinagkrus ang mga braso habang nakangising nakatingin kay Kate.
"You deserve it, para sa mga pinagsasabi mo sa amin. In fact, you should be afraid of us. Pero mukhang matapang ka."
"We shouldn't be afraid of you! You're not my mother!"
"Oo nga! At saka totoo naman 'yong mga sinasabi namin about sa inyo! Pangit na nga kayo ang pangit pa ng ugali niyo!" Wika naman ni Shane.
BINABASA MO ANG
Love Me Right
Dla nastolatkówA Trio once said... "Oh no, I hope I don't fall." -Diana "Never akong magkakagusto sa isang taong walang modo!" -Shane "Don't worry, you're not my type." -Kate Kung ang tagalog ng magic ay mahika, anong ginagawa ng tadhana? Mapanindigan kaya nila? *...