•Special Chapter•

14 2 0
                                        

Love Me Right: Happy Ending

Diana’s POV.

3 years later…

Maaga kaming gumising ni Baek upang maghanda, a-attend kasi kami sa double wedding ngayong araw. Flower girl si Hyunna—ang anak naming babae, next month na ang 3rd birthday niya. Sa ngayon ay paghahandaan na muna namin ang kasal ng mga ninong at ninang niya.

Kasabay kong naligo si Hyunna dahil si Baekhyun ang nagluluto ng breakfast namin, mas mahalagang may laman ang tiyan bago umalis ng bahay. Binihisan ko na muna siya ng pambahay at ganoon din ang isinuot ko. Maaga pa naman kaya makakaabot kami sa simbahan bago magsimula ang seremonya.

Buhat ko si Hyunna habang pababa kami sa hagdan, napangiti ako nang maamoy ang niluluto ni Baekhyun sa kusina. Filipino breakfast na kasi ang madalas niyang lutuin, hindi ko alam kung bakit pero nagustuhan niya simula noong natuto siya sa akin.

“Gutom ka na, baby, hmm?” marahang tanong ko kay Hyunna at nakanguso naman siyang tumango kaya natawa ako. Kamukha niya kasi ang tatay niya, girl version ni Baekhyun kumbaga. Ang daya nga dahil ako ang naghirap na magbuntis at manganak pero kamukha naman pala ng tatay paglabas!

Pero okay lang, cute naman e, hihi!

“I want strawberry pancake~” she said sweetly and I nodded.

“Sabihin natin kay daddy.” I then kissed her smooth and chubby cheek.

Pagkarating namin sa kusina ay binungaran kami ng isang matamis na ngiti ni Baekhyun. Iniupo ko si Hyunna sa isang mataas na upuan upang maabot niya ang lamesa, marunong naman na siyang magsubo na mag-isa pero kailangan pa rin ng guidance para hindi madungisan ang damit.

“May strawberry pancake para kay Hyunna?” tanong ko habang pinagmamasdan siyang magluto.

“Of course, iluluto ko na lang ‘to then sabay-sabay na tayong kakain ng breakfast.” I gave him a soft smile and nodded.

“Wait lang baby, iluluto pa ni daddy ‘yong breakfast mo.”

“Okay, mommy! But mommy, I want to wear the dress now,”

I chuckled, “Later baby, we still have to eat our breakfast first. Don’t worry, mommy will dress you up nicely.”

She giggled cutely, “I want to look like a princess, mommy!”

“Okay, okay, your wish is my command, princess.” nakangiti kong wika na dahilan ng paghagikgik niya.

Ilang minuto pa ang lumipas bago matapos na magluto si Baekhyun, tumulong na ko sa kaniya para mapabilis ang trabaho. Inuna kong lagyan ng almusal ang plato ni Hyunna—ang request niyang strawberry pancake. Paborito niya rin ang strawberry katulad ng tatay niya, kapag pinagdikit mo nga silang dalawa mukha talaga silang pinagbiyak na bunga e.

After naming mag-almusal ay ako na ang naghugas ng mga pinagkainan dahil kailangan na ring maligo ni Baek. Pagkatapos ay umakyat na kami ni Hyunna sa kuwarto upang magbihis.

She wore her white tulle lace embroidered princess dress that I partnered with her cute white shoes, I did her hair into waterfall braid and I also put the flower crown on her head.

“There baby, you look so pretty!” I complimented. Bumakas ang excitement sa mukha niya at dali-daling umakyat sa upuan upang tignan ang sarili sa salamin, agad ko rin siyang inalalayan dahil nakakatakot kapag nalaglag siya.

Nang makita niya ang reflection sa salamin ay bumakas ang sobrang tuwa sa kaniyang mukha. Napahagikgik pa siya at masayang lumingon sa akin.

“Wow, mommy! I looked like a princess!” she said while giggling and I nodded.

Love Me RightMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon