Love Me Right: Dinner
Shane's POV.
I'm currently in my room, staring at Kai's blazer.
Napakagat ako sa ibabang labi at naalala na naman ang nangyari kung paano niya inilagay ang blazer sa baywang ko kanina.
Napapikit naman ako nang mariin nang maramdaman ang pag-init ng pisngi ko mula sa pag-iisip na 'yon. Pagkatapos ay dumilat ako bago dahan-dahang inangat ang blazer para amuyin ang bandang leeg no'n.
Shocks! Ang bango niya!
Nagdadalawang isip tuloy ako kung isasauli ko pa 'to sa kaniya at lalabhan. Mabuti na lang at hindi nalagyan ng tagos, kundi mahihirapan akong labhan 'to.
Hays sana makapit 'yong pabango niya.
Inilagay ko 'yon sa cabinet ko matapos na ilang beses amuyin, nakakaadik kasi! At hindi naman 'yon marumi, hindi rin siya amoy pawis.
Napailing na lang ako sa sarili ko nang ma-realize ang mga iniisip ko.
At dahil wala naman kaming assignment na gagawin, pwede kaming lumabas ng bahay ni Kate lalo na't wala ang parents niya rito. Hindi kasi mahilig magpa-assignment ang teachers sa Alvantin, mahilig lang sila magpa-quiz at activities. Mas focus din sila sa performance task kaysa sa written works dahil mas malaki ang hugot no'n sa grades.
Kinuha ko muna ang wallet at cellphone ko bago lumabas ng kuwarto ko, naabutan ko si Kate sa sala na nanonood sa TV kaya bumaba ako at saka nilapitan siya para ayain sa Coffee Shop.
"Kate."
"Oh?" Tugon niya habang naglilipat ng channel.
"Bored ka ba? Tara sa Coffee Shop."
"Libre mo?"
"Mag-aaya ba ko kung hindi?"
Napangisi siya at mabilis na pinatay ang TV.
"Tara!" matapos niyang sabihin 'yon ay hinatak na niya ko palabas ng bahay nila at nagpahatid kay Kuya Dani.
"Malaya ka ngayon 'no?" Komento ko habang pababa kami ng sasakyan.
"Palagi naman akong malaya ah?"
"I mean, hindi tulad ngayon na wala sila Tito."
"Hmmm...sabagay. Pero depende naman sa akin 'yon, ikaw lang naman at saka si Diana ang sinasamahan ko."
Pumasok na kami sa loob at pumili ng mauupuan. Occupied na sa tabi ng glass wall kaya roon kami napunta sa pinakalikod, medyo malayo sa counter.
"Anong gusto mo?" Tanong ko nang makaupo kami.
"Isang tall Caramel Java Chip with an extra caramel." Nakangiti niyang sagot.
"Okay, noted."
"Thanks!" Tumango na lang ako at saka naglakad sa counter.
"Good evening, Ma'am!" Masiglang bati ng babae na humarap sa akin sa counter. Nginitian ko siya at saka nagsimula nang um-order matapos kong mamili sa menu.
"Isa nga pong tall Caramel Java Chip with an extra caramel, at saka po isang tall Iced Latte."
"Ano pa po?" Wika niya matapos na i-encode ang order ko.
"Wala na po, iyan lang."
"Bale 570 pesos po, ma'am." Tumango ako at binuklat ang wallet para kumuha ng pera.
Ngunit bigla akong kinabahan nang makitang 500 na lang pala ang laman ng wallet ko, hindi ako nakapag-withdraw!
Napakagat ako sa ibabang labi ko at tinignan si Kate ngunit busy siya sa phone niya, hindi niya rin ako maririnig dahil maraming tao ang nandito.
BINABASA MO ANG
Love Me Right
Novela JuvenilA Trio once said... "Oh no, I hope I don't fall." -Diana "Never akong magkakagusto sa isang taong walang modo!" -Shane "Don't worry, you're not my type." -Kate Kung ang tagalog ng magic ay mahika, anong ginagawa ng tadhana? Mapanindigan kaya nila? *...
