•Chapter 38•

11 3 27
                                        

Love Me Right: Life and Death

Third Person’s POV.

Dahil Summer Vacation na ay nag-iisip na ng lugar na papasyalan ang Exodus kasama ang tatlong kasintahan ng tatlong miyembro nito. Katatapos lang din kasi ng recognition at gusto nilang i-celebrate ang achievement na ito.

“Kailan niyo balak na puntahan sila Diana?” tanong ni Suho kay Baekhyun. Kasalukuyan silang nasa dorm dahil dito lang ang lugar kung saan sila nagsasama-sama tuwing bakasyon.

“Hindi ko pa alam, Hyung e. Hindi ko nga matawagan ‘yong phone ni Diana.” sagot nito habang kunot ang noong nakatitig sa screen ng cellphone.

“Baka naman busy or tulog pa?” komento ni Chen habang umiinom ng canned fruit juice.

“Eh? Maagang nagigising ‘yon! At saka alas-nueve na oh.” depensa ni Baekhyun.

“Baka naman may ginagawa?” pagsingit naman ni D.O habang nagbabasa ng libro.

“Oh baka gumala kasama no’ng dalawa.” tiyak na wika naman ni Kai.

“Saan niyo na nga ulit balak mag-outing?” tanong ni Lay pagkaupo sa couch, sa tabi ni Suho. Galing kasi siya sa kusina upang kumuha ng mansanas.

“Doon sa private resort, maganda kasi ang service doon.” sagot ni Suho.

“Eh ‘di ba roon din nag-outing ‘yong class nila Irene?” —si Xiumin.

“Oo, bakit? Ano naman?” kunot ang noong wika ni Suho.

“Wala naman. Nasabi ko lang.”

“Hindi ko rin ma-contact si Clandestine,” may halong pag-aalala sa boses ni Chanyeol.

Kasunod naman no’n ay ang pag-vibrate ng cellphone ni Kai at saka may nag-notif na location sa screen ng phone niya.

“I think they’re in danger…” bulalas niya at inilapag ang cellphone sa may center table. “Nasa private property sila ng Hard Skull.”

“Ano namang ginagawa nila roon?” nagtatakang tanong ni Sehun.

“Puntahan na lang natin sila,” mabilis na tumayo si Kai matapos iyong sabihin.

“We should call the police.” suhestiyon ni Suho at tumango lang ang mga miyembro niya.

Pagkarating ni Kai sa kuwarto niya ay naka-receive naman siya ng isang text message mula sa isang hindi kilalang numero.

“Don’t come to save her. Come with me instead and she will live.”

Mahigpit siyang napahawak sa cellphone niya at saka muling naka-receive ng ikalawang mensahe.

“I’ll send you the address where I am now, I’ll wait for you to come, or she will die…”

Ibinato niya ang cellphone sa kama at saka napasabunot sa buhok matapos na umupo rito. Kahit hindi niya tanungin kung sino ang nag-text ay alam na niya ito agad, isang tao lang naman ang pilit na naghahabol sa kaniya.

Si Helena.

“Kai! Halika na,” dinig niyang wika sa kaniya ni Baekhyun pero hindi siya lumingon dito.

“Susunod ako…” sa halip ay sagot niya.

“Bakit hindi ka pa sumabay?”

“Basta, susunod ako, Hyung.” tumango na lamang si Baekhyun bago tumuloy sa paglalakad palabas ng dorm nila, lumabas na rin kasi ang iba nilang kasama.

“Si Kai?” tanong ni Lay pagkalabas ni Baekhyun.

“Susunod daw siya.”

“Nakatawag na ko ng pulis, sinend ko na rin ‘yong address sa kanila. Tara na!” nagmadali silang sumakay sa dalawang van  nang sabihin iyon ni Suho at sinimulan nang mag-drive ng driver nila patungo roon sa nasabing private property.

Love Me RightMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon