Love Me Right: Hate
Kate’s POV.
Gulong-gulo kami sa nangyayari, hindi ko alam kung tama ba ang mga narinig ko o gawa-gawa lamang iyon ni Zania. Nang tumakbo paalis si Diana ay roon nagsimulang magbulungan ang mga tao na kesyo guilty raw ang kaibigan ko at nakakahiya ang ginagawa niya.
“Everyone! Silence, please.” muling wika ni Zania ngunit bakas sa kaniya ang katuwaan dahil sa mga nagaganap. Mukhang umaayon ang tadhana sa plano niyang ito. “Silence!” pag-uulit niya nang hindi siya sinunod ng mga tao sa unang pakiusap. “Good! Magkakasundo tayong lahat kung umaayon kayo sa lahat ng sinasabi ko.”
Napakuyom ako ng kamao dahil sa sinabi niyang ‘yon na tila gusto niyang maging sunod-sunuran ang mga taong nasa paligid niya. Gusto niyang mapahamak si Diana para wala nang humadlang sa kanila ni Baekhyun because my friend is a big threat to her. Hangga’t hindi nawawala si Diana sa landas nila, hindi rin siya matatahimik sa paggawa ng mga haka-hakang bagay na tulad nito.
I guess, hindi naman talaga sila engaged ni Baekhyun. Isa lang siyang ambisyosang bitchesa na pilit inaangkin ang hindi sa kaniya kahit simula pa lang ng istorya.
“Ngayong alam niyo na kung ano ang katotohanan, siguro naman kilala niyo na talaga kung sino ang tunay na kalaban.”
“You’re talking shit, bitch!” inis na wika ko matapos kong tumayo mula sa kinauupuan ko. Hinawakan pa ko ni Chanyeol sa braso upang pigilan ngunit hinigit ko lang ang braso ko bago siya tinignan nang masama.
“Ooh. May ume-extra sa pagbibida ko, what’s your name again?”
I chuckled, “You don’t have to know my name, sapat nang malinaw mong marinig ang sasabihin ko. Gusto ko lang linawin sa’yo na hindi mo pag-aari si Baekhyun dahil sa simula pa lang ng istorya, extra ka lang sa buhay niya. Now, kung gusto mo talagang mag-ambisyosa, bumili ka na lang ng libro at simulang magbasa.”
“Such a wonderful speech. But sorry, hindi ako maaapektuhan sa mga sinabi mo. I know my worth, at binabawi ko lang kung ano ang akin.” mataray niyang wika na mas nagpaigting sa aking panga.
“You just know your worth pero hindi ng mga taong nasasaktan mo. You just care about yourself and popularity, so, you deserve no one kung ganiyan ang trato mo sa iba.” inirapan ko siya at saka ko kinuha ang clutch bag bago naglakad paalis.
“Clandestine, wait!”
“Kate!”
Naririnig ko ang pagtawag nila ngunit hindi ko na sila nilingon pa. Masyado nang umiinit ang ulo ko sa atmosphere ng venue na ito, kailangan ko na talagang makalabas at sundan ang kaibigan ko.
Pagkalabas ko ng venue ay luminga-linga ako upang hanapin ang dalawa ngunit wala akong makitang kahit anong bakas nila.
“Clandestine!/Kate!” sabay pang wika nina Shane at Chanyeol nang maabutan ako. Nilingon ko sila at doon ko lang napansin na pati ang ibang miyembro ng EXODUS ay sumunod sa akin.
“Oh? Ba’t sumunod kayo?” nagtatakang wika ko habang nakakunot ang noo.
“Hindi naman pwedeng hayaan ka na lang naming mag-isang umalis dito,“—si Shane.
“She’s right. Pakiramdam ko hindi na rin tayo welcome sa party dahil sa nangyari.” pagsang-ayon ni Chanyeol.
“I think, we should find the two.” pagtukoy ni Chen kina Diana at Baekhyun.
“Hayaan na siguro muna natin sila, kailangan nila ng oras para makapag-usap.”—si Suho.
“I agree, kausapin na lang natin sila kapag naayos na nila ang problema. Hindi tayo maaaring dumagdag sa sakit ng ulo nila,” sang-ayon naman ni Xiumin.
BINABASA MO ANG
Love Me Right
Teen FictionA Trio once said... "Oh no, I hope I don't fall." -Diana "Never akong magkakagusto sa isang taong walang modo!" -Shane "Don't worry, you're not my type." -Kate Kung ang tagalog ng magic ay mahika, anong ginagawa ng tadhana? Mapanindigan kaya nila? *...
