•Chapter 10•

15 3 9
                                        

Love Me Right: The Favor

(A/N; Simple map of Alvantin International School was shown above.)

Shane's POV.

Bumili lang ako ng drinks at saka tumambay sa isang table sa loob ng convenience store, naka-puwesto sa may tabi ng glass wall. At dahil puro salamin ay nakikita ko ang mga dumaraang tao, pati na ang mga taong papasok at lalabas dito sa store.

Nang maubos ko na ang drinks ay nagpasya na rin akong lumabas para umuwi.

Kasalukuyan akong naglalakad papunta sa kabilang kalsada nang makita ko ang isang pamilyar na tao.

Si Dave!

Papunta siya sa kung nasaan ako ngayon. Nag-panick ako kaya naman luminga-linga ako para maghanap sana ng tataguan, ngunit isang tao ang nakita ko at alam kong pwede niya kong tulungan dito.

Nagkatinginan na kami ni Dave at kumaway siya sa'kin. Alam kong kukumustahin niya ko dahil kahit papaano ay may pinagsamahan kami.

Hinintay kong makalapit sa kinatatayuan ko si Kai dahil hindi pa naman nakakatawid si Dave mula sa kabilang kalsada.

"K-Kai!" Napatigil siya sa paglalakad at tinignan ako. Ngumisi siya sa'kin at saka pumamulsa.

"What's your name again? Shane?" At dahil gusto ko nang matapos 'to bago pa man tumawid si Dave ay tumango na lang ako.

"Uhm. Pwede mo ba kong tulungan? This is urgent, like...h-help me right here, right now." Kumunot ang noo niya bago sumagot sa'kin.

"Help? What kind of help?" Muli kong nilingon si Dave at nakitang may kausap siya sa phone, pero alam ko na anytime ay tatawid na rin siya papunta rito.

"Y-yung dati ko kasing ka-MU, nandoon sa kabilang daan. He saw me already and alam kong kukumustahin niya ko."

"Just get straight to the point." Mariin akong napapikit at huminga nang malalim.

"M-magkunwari kang boyfriend ko kapag nakalapit na siya rito. Just...do anything, basta hindi niya lang mahalata na nagpapanggap tayo. Makisabay ka na lang din sa sasabihin ko."

"I can do anything?" Nakangisi niyang tugon at napairap naman ako. Nang makita ko si Dave na patawid na rito ay mabilis din akong tumango bilang tugon.

"Palapit na siya. Galingan mo."

"I'm an expert, you know." Muli na lang din akong napairap at nataranta nang makitang malapit na siya.

Nagulat naman ako nang bigla akong hawakan ni Kai sa baywang at hinawakan ang pisngi ko bago ako hinalikan sa labi.

Wtf! Wala akong sinabing kiss!

Nanlalaki ang mga mata ko nang mabilis akong bumitaw dito ngunit nakita ko siyang ngumisi lang sa'kin. Sinamaan ko muna siya ng tingin bago i-check si Dave.

"Shane! Long time no see!" Bungad niya sa'kin at malawak naman akong ngumiti. Ipinulupot ko ang braso ko sa baywang ni Kai at ganoon din siya.

"Yeah, kumusta ka na?"

"Well, I'm totally fine. How about you? Is that your boyfriend?" Pagtukoy niya kay Kai at agad naman akong tumango.

"Y-yes he is." Piniga ko ang tagiliran niya at naramdaman ko naman ang bahagyang pag-igtad niya.

"Hi, my name is Kai. Shane's boyfriend, and you are?" Naglahad ng kamay si Kai na agad namang tinanggap ni Dave.

"Dave. Her good friend in grade 7. Nice to meet you, Kai."

Love Me RightMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon