Love Me Right: Slingshot
Kate's POV.
We are currently sitting on a couch in our living room. Kauuwi lang namin galing school at hindi pa muna umuwi si Diana dahil gusto niya raw muna magpahinga kahit saglit.
"Guys, kanina ko pa 'to pinag-iisipan." panimula ni Diana.
"Spill it out, baka masubsob ka na naman." tugon ko at sinamaan niya lang ako ng tingin.
"Ito kasi, pang-asar." wika naman ni Shane matapos akong sikuhin. Nilingon ko lang siya at saka nginusuan. "Ano ba 'yon?" tanong ni Shane kay Diana.
"Eh kasi... 'di ba hindi pa alam ni Lola na wala na tayo sa Hutton High? Tapos, nag-apply pa ko sa Library bilang taga-linis. Paano kung gabihin na ko ng uwi tapos maabutan ako ni Lola? Siyempre 'di ba, kung sakaling hindi na tayo naka-sibilyan iba naman na ang itsura ng uniform natin?"
"Edi... dalhin mo 'yong uniform mo dati sa Hutton High. O kaya... sabihin mo na yung totoo sa Lola mo." suhestiyon ko.
"Oo nga, yung second choice yung mas okay para sa'kin. Kasi dagdag kasinungalingan 'yong pagsusuot mo pa rin ng uniform ng Hutton High kahit sa Alvantin na tayo nag-aaral." sang-ayon naman ni Shane.
"May point siya." wika ko.
Napabuntong hininga naman si Diana at saka napasandal. Alam kong natatakot siyang sabihin sa Lola Maida niya pero kailangan. Nagui-guilty tuloy ako dahil sinama namin siya sa gulo.
"Diana." masuyong tawag ko sa kaniya at agad naman siyang napalingon sa'kin. "Pasensya na kung dinamay ka pa namin dito."
Marahan naman siyang ngumiti bago muling umayos sa pagkakaupo.
"Ano ba kayo, ayos lang naman sa'kin 'yon! At saka isa pa, hindi ko kayang tanggihan si Tita Vicky dahil siya naman ang gumagastos sa pag-aaral ko. Magkakaibigan tayo at hindi ko rin kayo kayang iwan, 'no."
"Aww~ ang sweet naman ng frenny namin! H'wag kang ganiyan baka ma-inlove sa'yo si Baekhyun!" pang-aasar ko at napasimangot naman siya.
"Nako h'wag niyo ngang banggitin 'yong pangalan ng lalaki na 'yan!" inis na wika niya. Bahagya naman kaming natawa ni Shane, hindi dahil sa nangyari kanina kundi dahil sa reaksyon niya.
"Nasa'yo pa ba 'yong binigay niyang card?" tanong ni Shane kay Diana. Agad namang nag-iba ang ekspresyon ni Diana na tila ba may naalala.
Tumayo siya at saka may dinukot sa bulsa ng suot niyang pantalon.
"Ito." aniya at umupo ulit habang hawak ang card na ibinigay sa kaniya ni Baekhyun kanina.
"Patingin." iniabot ni Diana kay Shane ang card kaya pati ako ay nakitingin na rin.
Byun Baekhyun, huh?
"Ang cute naman pala ng name eh!" komento ko.
"Cute nga, manyak naman." depensa niya na bahagya kong ikinatawa.
"Malay mo hindi niya sadya 'yong kanina." sabi ni Shane at agad ko naman 'yong sinang-ayunan.
"Oo nga! Malay mo 'yong malaking tainga na 'yon yung talagang may kasalanan!"
BINABASA MO ANG
Love Me Right
Genç KurguA Trio once said... "Oh no, I hope I don't fall." -Diana "Never akong magkakagusto sa isang taong walang modo!" -Shane "Don't worry, you're not my type." -Kate Kung ang tagalog ng magic ay mahika, anong ginagawa ng tadhana? Mapanindigan kaya nila? *...