•Chapter 25•

8 2 11
                                    

Love Me Right: Hard Skull's Property

Shane's POV.

Kinalabit ko si Diana na tulala ngayon, nandito kasi kami sa pool nakatambay. Si Kate ay sinamahan si Irene sa Faculty upang tulungan ang adviser namin sa paghihiwalay ng activities na nagawa namin at ng iba pang hawak niyang sections. Malapit na rin kasi ang bakasyon dahil sa 17 ay Year End party na namin. Si Wendy naman ay absent due to her personal problem.

"Tulala ka riyan?" Pagpuna ko nang ibaling niya ang tingin sa akin.

"Eh kasi naman...noong birthday ni Lola, pupunta pala dapat si Baekhyun sa bahay nila Chanyeol dahil birthday din ni Chanyeol no'n. Kaya pala bihis na bihis siya, tapos kung ano-anong palusot ang ginawa niya para lang masamahan ako. Kailan ko lang nalaman." Nakanguso niyang wika.

"Nagsisisi ka ba?"

"50/50."

"Why?"

"Natuwa naman ako noong sinamahan niya ko, dahil nga roon nalaman ko na siya si Hyunee, 'di ba? Pero...nakokonsensya ako para kay Chanyeol."

"Ano ka ba, si Baekhyun nga hindi nakonsensya e! H'wag mo nang isipin 'yan, lumipas naman na ang mga araw. At saka, sure ako na nakapag-usap naman na ang magkaibigan tungkol diyan."

"Hmm. Nakaabot pa naman daw siya."

"Oh tignan mo? Hay! Naku! H'wag mo ngang ini-stress ang sarili mo riyan! Libot tayo gusto mo?"

"Saan naman?"

"Dito lang sa school!" Napaisip siya sa sinabi ko, at mga ilang segundo lang ay tumango na rin siya bago tumayo.

"Tara!" Tumayo na rin ako bago sumunod sa kaniyang lumabas ng Pool Area.

"Dito tayo sa Garden! Ilang months na tayo rito sa Alvantin, hindi pa rin tayo nakakapasyal dito." Pag-aaya ko na agad niya namang sinang-ayunan. Tahimik kaming pumasok sa bukas na maliit na gate, walang taong narito kaya tahimik. May maririnig ka rin na ilang kuliglig at mabango rin ang halimuyak ng hangin. Parang itong isang munting paraiso rito sa Alvantin.

Maraming nakatanim na mga halaman, bulaklak, at puno. May mga bench din dito in case na tumambay ang students, at may lamp posts din sa bawat sulok. Iniisip ko nga kung pwede kayang magpalipas dito hanggang gabi para man lang makita ko kung gaano kaganda ang Garden na 'to kapag madilim na ang paligid.

"Hindi ba't sarado 'to minsan?" Pagtukoy ni Diana sa gate ng Garden.

Tumango naman ako nang maalala, may times kasi na naka-lock ang gate at may times naman na bukas. Kaya siguro walang masiyadong nagakakainteres na maghintay na maabutang bukas ang gate ng Garden. Swerte na lang kami dahil naabutan namin ngayon.

"May nakikita ka bang pumupunta rito?" Tanong ko sa kaniya habang pinagmamasdan ang mga nakatanim na bulaklak.

"Hindi ko napapansin dahil hindi naman tayo madalas na maparaan dito."

"Sabagay." Kibit-balikat kong tugon sa kaniya.

Malaya kaming gumanito ngayon dahil wala naman na kaming ginagawa sa room, marami na nga rin ang absent e. Next week kasi mag-aayos na ng Gymnasium para sa Party sa 17. Hindi na nga rin pumapasok ang ibang teachers at nag-aattendance na lang para dagdag score sa performance.

"Shane." Sa kalagitnaan ng paglilibang namin sa Garden ay bigla akong tinawag ni Diana, nilingon ko siya at nagtaas ng dalawang kilay. "Halika." Kunot-noo ko siyang sinundan nang magpatiuna siyang maglakad sa akin.

"Saan tayo pupunta?" Nagtatakang tanong ko habang naglalakad kami papunta sa kung saan.

"Basta!" Pabulong niyang sigaw. "Tignan mo 'to." Huminto kami sa may pinakasulok ng Garden, natatakpan ng malaking puno. May itinuro siyang butas na katamtaman lang ang laki sa bakod na kahoy ng lugar. Tinitigan ko iyon at sa tingin ko ay sinadya dahil sa maayos na pagkakahugis nito.

Love Me RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon