•Chapter 46•

15 2 2
                                    

Love Me Right: A Fiery Gaze

Kate’s POV.

6 AM ako gumising para maghanda sa trabaho, pagkatayo ko ay dumiretso muna ako sa bathroom upang maghilamos at magmumog. Pagkatapos ay pumunta na ko sa kusina upang magluto ng breakfast ko—black coffee para sa pampagising, bacon and egg cheese roll ups, toasted bread, and one banana—after that ay nagtungo na ko sa bathroom matapos na kuhanin ang tuwalya ko upang maligo.

Nagsuot ako ng grey trouser, white spaghetti strap sando with grey blazer, and black ankle strap high heels.

Matapos kong magbihis at ayusan ang sarili ko ay kinuha ko na rin ang susi ng kotse at ang aking Chanel Handbag. Pagkalabas ko ng unit ay dumiretso na ko sa elevator at pinindot ang ground floor upang magtungo sa parking lot.

“Good morning, Ma’am!” bungad sa akin ni Laurance habang nakangiti. Ginantihan ko naman siya ng isang magaan na ngiti bago bumati.

Napansin ko rin na nakasuot siya ngayon ng specs. Malabo kasi ang mga mata niya kaya madalas ay nakasuot siya ng contact lenses na same ng eye color niya.

“G’morning. Nag-almusal ka na?”

“Hmm. Bakit mo natanong? Concern ka, ‘no?” nang-aasar niyang wika kaya napairap ako.

“Tangik! H’wag ka ngang feeling! Concern ako dahil ikaw ang magdri-drive, ‘no! Baka mamaya mabangga tayo dahil nahilo ka’t hindi kumain.”

“Tss! Dami mong sinabi, masyado kang nahahalata, madam!”

Binatukan ko siya kaya napa-aray siya habang natatawa.

“Bilisan mo na! Ang dami ko pang gagawin sa office!” ang huling turan ko sa kaniya bago naunang pumasok sa loob ng kotse. Sa shotgun seat ako naupo habang si Laurance ay nasa driver’s seat.

Madalas talaga ay siya ang nagdri-drive para sa akin, minsan ay ime-message ko siya na ako na lang ang mag-isang pupunta sa company.

“Bakit naka-specs ka ata ngayon?”

“Ahh, need ko rin kasi ipahinga yung mata ko from contact lenses kaya lumipat muna ko sa specs.”

“I see, may point ka naman.”

“You know, malabo ang mata ko pero malinaw ang pagtingin ko sa’yo.” nakangisi niyang turan na agad kong nginiwian.

“Sige, scroll pa sa facebook! Naa-adopt mo na mga ganiyang linyahan.”

He chuckled, “Sorry, libangan na kasi.” napailing na lang ako bilang tugon. Tumingin lang ako sa bintana habang tahimik na nagdri-drive ang katabi ko, iba kasi ang pakiramdam ko sa linya niyang iyon. Ayoko namang mag-assume kaya hindi ko na lang pinapansin, baka mamaya masabihan pa kong feeling!

Pagkarating namin sa tapat ng company ay nauna na kong bumaba sa kaniya, hindi ko na hinihintay na pagbuksan ako ng pinto ng kotse dahil hindi naman ako ganoon kaarte para kumilos-prinsesa.

“Siya nga pala, huwag mo na kong bilhan ng kape this morning kasi nag-black coffee na ko kanina.” wika ko habang naglalakad kami papasok ng building.

“Noted, Ma’am!”

“Good,” nakangiting tugon ko. Binati kami ng security guard kaya naman binati rin namin siya pabalik.

“Ma’am!” kunot ang noo ko nang lingunin ko ang isang employee, may hawak itong isang bouquet ng red carnation at nagmamadaling lumapit sa akin. “May nagpapabigay po nito sa inyo.” nakangiti niyang turan habang iniaabot ang bouquet.

Love Me RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon