•Chapter 49•

12 2 0
                                        

Love Me Right: Comeback

Kate's POV.

Isang linggo na ring may nagpapadala ng isang bouquet ng iba't-ibang uri ng bulaklak sa akin. Hindi ko alam kung kanino galing dahil hindi naman siya nagpapakilala. Tinanong ko si Chanyeol pero hindi naman daw sa kaniya galing ang mga 'yon.

Kanina lang ay may nagpadala na naman sa akin ng red tulips.

Kasalukuyan kaming nasa restaurant ni Laurance dahil lunch time, dito kami nagtungo sa malapit lang din sa company para hindi hassle bumalik. Marami rin kasing gawain kaya hindi pwedeng malayo ang pupuntahan.

Pagkatapos naming um-order ng pagkain ay umalis na muna ang waiter para kumuha pa ng orders ng iba.

"Kate,"

"Hmm?"

"I have something to tell you..."

"Right here? Right now?" he nodded. He looks so serious so I got curious. "Okay, what is it?"

Humugot siya ng isang malalim na hininga bago muling tumingin sa akin, "Hindi ka ba naghihinala roon sa nagpapadala sa'yo ng bouquet of flowers?"

I shrugged, "Naghihinala ako pero ayoko kasing mag-assume,"

"Sino bang pinaghihinalaan mo?"

Marahan ko siyang tinitigan at ilang segundo ang itinagal, "Ikaw."

Dahan-dahan naman siyang napangiti at saka tumango, "Yes, ako nga."

Bahagya namang napaawang ang labi ko at saka napataas ang dalawang kilay.

"Seryoso?"

"Alam kong hindi ka mamamanhid kung hindi ko idinadaan ang lahat sa biro," bumuntong hininga siya. "After kong sabihin 'to, h'wag mo sana akong iwasan."

Mukhang alam ko na kung saan ito patungo ngunit ayoko siyang pangunahan kaya hahayaan ko muna siyang magsalita at magsabi ng nararamdaman.

"Kate," he held my left hand and caressed it gently. "I like you-no...I love you." bahagyang umawang ang labi ko kahit na expected ko naman ang kaniyang sasabihin.

Hindi ko alam ang isasagot, hindi ko alam ang ire-react dahil...

Hindi naman kami pareho ng nararamdaman.

"Hindi mo naman kailangan sumagot," tila nabasa niya ang nasa isip ko. "Alam kong hindi tayo pareho ng nararamdaman, but I'm not telling you this para ma-guilty ka. Sinasabi ko 'to sa'yo para sa peace of mind ko dahil tanggap ko naman na one sided love lang talaga."

Napayuko ako.

Ito ang isa sa pinakamahirap na sitwasyon, he loves me but I can't give it back. At kahit na ilang beses niyang sabihin na h'wag akong ma-guilty ay mararamdaman ko pa rin 'yon!

"Hey," masuyo niyang tawag sa akin. Iniangat ko naman ang tingin ko habang masama ang tingin sa kaniya at nakanguso. "Woah. What did I do wrong?" natatawang wika niya.

"Parang gago ka kasi! Dapat hindi ka na umamin!" naluluhang sabi ko.

"Hey, hey, don't cry..." he said while chuckling. Binigyan niya ko ng tissue ngunit ibinato ko lang 'yon sa mukha niya.

"Nakakainis ka!"

He laughed, "I'm sorry. Umamin ako kasi iyon ang paraan ko para maka-move on. Ayoko kasing pagsisihan na hindi ko man lang nasabi sa'yo bago ko nakalimutan ang nararamdaman ko."

Mas lalo lang tuloy akong naluha dahil sa sinabi niya.

"Nananadya ka ba?" suminghot ako at kumuha ng tissue upang punasan ang luhang tumulo pababa sa pisngi ko. "Ako ang nasasaktan e!"

Love Me RightMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon