•Chapter 29•

9 2 3
                                        

Love Me Right: Sick

Diana's POV.

Pagkahatid sa akin nina Kate kagabi galing school ay kumain muna ako ng hapunan bago tuluyang pumunta ng kuwarto ko upang maglinis ng katawan at magbihis ng pangtulog.

Alas-siyete ng umaga naman ako nagising dahil sanay naman na akong gumising ng maaga. Kinusot ko ang mata ko bago humikab at mag-inat. Nang makaupo ako sa kama ay napabuntong hininga ako nang makita ang damit ko sa lagayan ng maruruming damit.

Sayang 'yong damit dahil hindi ganoon nagamit.

Nilingon ko rin ang wedge shoes ni Kate, isasauli ko na lang kapag pasukan na ulit. Baka kasi umalis sila ngayong bakasyon.

Pagkatapos kong tumulala sa kawalan ay nagmumog na rin ako at naghilamos bago bumaba upang kainin ang almusal na iniwan ni Lola.

“Binayaran na ni Baekhyun 'yong mga nasirang libro sa Library.”

Mariin akong napapikit nang maalala ko ang sinabing 'yon ni Kate kagabi.

Binayaran niya ng buo? Hays!

“Tsk! Bakit ba kasi ako nahimatay sa harap nila?” inis kong sambit sa sarili. Umiling na lamang ako at inubos ang kinakain bago nagsimulang maghugas ng pinagkainan. Pagkatapos ay nagpahinga muna ako bago nagdesisyong magwalis sa pangalawang palapag ng bahay, isusunod ko naman ang unang palapag pagkatapos. Dinadamay ko na rin kasing walisin ang kuwarto ni Lola kapag winawalis ko ang kuwarto ko sa araw ng Sabado at Linggo.

Nasa kalagitnaan ako ng pagwawalis nang may kumatok sa front door kaya agad akong napalingon doon.

“Ang tigas talaga ng ulo mo.” naiiling na bungad ni Baekhyun. Nanlaki naman ang mga mata ko sa gulat dahil sa hindi inaasahang pagbisita niya.

“O-oh? Napasyal ka?”

“Of course, sinadya ko talagang bisitahin ka e.”

“Wait, tatapusin ko lang 'tong pagwawalis.” ipinagpatuloy ko na ang pagwawalis matapos iyong sabihin.

“Akin na 'yang walis.” nilingon ko siya at nagtatakang tumingin.

“Bakit?”

“Ako na ang magpapatuloy.” nakangiti niyang wika ngunit umiling lang ako.

“Ako na, kaunti na lang naman kaya matatapos na.” wika ko bago muling ipinagpatuloy ang pagwawalis.

“Diana.” napahinto ako nang sumeryoso ang boses niya, hindi kasi ako sanay sa ganoon. Mas sanay ako na maingay siya at makulit.

Napalunok ako nang makitang naka-seryoso ang mukha niya, ang guwapo niya lalo kapag naka-seryoso kaya hindi ko naiwasan ang mapatitig. Bumilis din ang tibok ng puso ko dahil sa nakikita kong ekspresyon niya ngayon, hindi ko alam kung kaba ba 'to o kilig.

Oo. Kilig 'yan, Mare.

Umiwas ako ng tingin nang magtaas siya ng isang kilay, tumikhim naman ako bago umayos ng tayo.

“Hehe, s-sige.” inabot ko sa kaniya ang walis at inabot niya naman sa akin ang plastic na hawak niya.

“Ano 'to?” tanong ko nang makuha 'yon.

“Fruits for you.” simple niyang sagot bago sinimulang magwalis. Tumango na lamang ako at pumunta ng kusina para ilagay sa lagayan ang mga prutas. “Dapat nagpapahinga ka lang ngayon.” dinig kong wika niya.

“Eh walis lang naman 'yan e.”

“Kahit na. Mabuti na lang pala at nagpunta ako rito.” sinilip ko siya sa sala at nakita na dinadakot na niya sa labas ang mga dumi gamit ang dustpan namin.

Love Me RightMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon