Love Me Right: Stolen Kiss
Shane's POV.
Today is the day. Mayroon kaming printed shirt at iyon ang isusuot namin ng tatlong araw. Sa harap ay may nakatatak na grade level, name ng school at kung anong team kami. Since blue team ang grade 9 ay Raptors ang nakatatak na malaki sa shirt namin.
Since player ako ay nagdala ako ng bag kung saan nakalagay ang mga gamit ko na kakailanganin ko mamaya. It's already 7:30 AM and we're suppose to be in the school but Diana's not here yet.
"Tawagan na kaya natin?" Wika ko at umiling lang si Kate.
"Maghintay pa tayo saglit." Tugon niya at napabuntong hininga na lang ako. At naghintay ulit kami ng another 10 minutes.
Magsasalita na sana ako ulit nang biglang pumasok si Diana sa loob ng bahay nila Kate matapos siyang pagbuksan ng pinto ni ate Se. Humahangos siya at nakahawak sa dalawang tuhod, mukhang galing siya sa pagtakbo.
"S-sorry, guys." Panimula niya habang habol ang hininga. Tumayo na kami ni Kate mula sa pagkakaupo sa couch at nilapitan siya.
"Tumakbo ka ba?" Nagtatakang tanong ni Kate. Marahan namang tumango si Diana at saka umayos ng tayo.
"Tumakbo ako para makaabot sa oras. Nagtanong-tanong kasi ako sa mga tindahan at sa ibang store na bukas na para sana magtrabaho every weekend." Hindi na muna kami sumagot at naglakad na papunta sa kotse para sumakay. Agad naman itong pinagana ni Kuya Dani at nag-drive na papunta sa school namin.
"Para ba 'yon sa nasirang books sa Library?" Wika ni Kate matapos ng mahabang pananahimik.
Napayuko si Diana at napabuntong hininga bago tumango.
"Kailangan ko 'yon para mapabilis ang pagbabayad ko kahit papa'no."
"Papagurin mo naman ang sarili mo. Diana, hindi mo naman kailangang gawin 'to. I will talk to Nanay and Tatay, maybe they can help you."
"Baka...pwede ko ring kausapin si Mommy para makatulong din ako." Wika ko ngunit inilingan lang kami ni Diana.
"Sobrang laki na ng naitulong nila Tita Vicky sa akin, sobra-sobra na kaya nahihiya na rin ako. At Shane, hindi mo 'yan kailangan gawin para sa akin. Alam ko naman na hindi maganda ang komunikasyon niyo ng Mommy mo. Hayaan niyo na ko rito, ayoko na kayong idamay dahil sa totoo lang nahihiya na rin ako sa inyo." May bahid ng lungkot na litanya niya.
Napabuntong hininga na lang kami ni Kate dahil hindi namin siya mapipilit kung ito na talaga ang desisyon niya. Hinawakan ni Kate ang kanang balikat ni Diana at marahan itong tinapik.
"Basta kung kailangan mo ng back up, nandito lang kami ni Shane, hmm?" Bahagyang ngumiti si Diana at saka tumango.
"Maraming salamat sa inyong dalawa, mahal na mahal ko kayo."
"Mahal na mahal ka rin namin." Sabay na wika namin ni Kate matapos namin siyang yakapin.
Nang makarating kami sa tapat ng school ay nagmamadali kaming bumaba dahil 8:01 na. Pagpasok namin sa Main Gate ay nakita namin sila na inaayos na ang pila sa tapat ng Gymnasium. Dali-dali naman kaming lumapit sa nag-aayos ng pila para maasikaso rin kami.
Ang players ay sa harap nakapuwesto, habang ang hindi players ay sa likod namin nakapuwesto. May certain places lang kami na iikutan kapag nagsimula na ang parade. Sa rami ng students ay nakaabot na sa labas ng main gate ang pila hanggang sa loob ng Gym.
"Okay. Students! Listen! Tulad ng napag-meeting-an natin, walang hihiwalay sa pila, walang iiba ng daan, at walang tatakas." Wika ni Ms. Vann gamit ang megaphone na hawak. "Kapag nagsimula na ang parade, walang magulo dahil nasa daan tayo. Understood?"
BINABASA MO ANG
Love Me Right
Ficção AdolescenteA Trio once said... "Oh no, I hope I don't fall." -Diana "Never akong magkakagusto sa isang taong walang modo!" -Shane "Don't worry, you're not my type." -Kate Kung ang tagalog ng magic ay mahika, anong ginagawa ng tadhana? Mapanindigan kaya nila? *...
