Love Me Right: Masquerade Ball
Diana’s POV.
“Baekhyun Byun from the famous boyband group EXODUS was allegedly dating Diana Leiz Delgado—the CEO of Zipleene Fashion. The photo was taken by the fan who saw them accidentally last week, November 20.”
Napahigpit ang hawak ko sa gilid ng table ko dahil halos mahulog ako sa upuan ko nang mabasa ang article na isang araw na palang naka-post, na-busy rin kasi ako nitong mga nakaraang araw dahil inilabas na namin ang magazines at billboards ng new design ng Zipleene Fashion Clothes. Nagse-set na lang din kami ng araw ni Baekhyun kung kailan pwedeng magkita dahil busy ako sa kumpanya, minsan ay bumibisita naman siya rito at tumutulong sa aking mga gawain.
Pero hindi ko inaasahan ang nakita at nabasa ko ngayon, imposibleng makita at mahalata kami dahil balot na balot kami noong araw na ‘yon. Hindi rin kami nagpunpunta sa crowded places dahil nga posibleng mangyari ang bagay na ‘to.
Depende na lang kung may nagmamasid sa amin.
Napaangat ang tingin ko sa pintuan nang may kumatok dito at nagmamadali na pumasok matapos na buksan ang pinto.
“Ma’am, hinahanap po kayo ni Mr. Lee.” may pagkataranta sa boses ni Audri kaya napakunoot ang noo ko at nagsimulang magtaka.
“Sige, papuntahin mo rito.” ang tanging nasabi ko na agad niya namang sinunod. Nagmadali siyang lumabas ng opisina ko at ako naman ay inilapag sa gilid ng table ang iPad na gamit ko.
“Good morning, Ms. Delgado!” he greeted me with a creepy smile plastered on his visage.
“What do you want now?” malamig kong tugon at hindi siya binati pabalik.
“Woah! Woah! Chill!” natatawang wika niya at saka naglakad palapit sa table ko. “Have you read the article?”
Napataas ang isang kilay ko sa sinabi niya, “You mean, the one that was posted a day ago?”
“Uh-huh.”
“Kababasa ko lang.”
He grinned, “Do you like it?”
“Why are you asking me like that? It can ruin my name and my company! It can also ruin Baekhyun’s name and his group! Why the hell am I suppose to like that article, huh?!”
“Natatandaan mo pa ba ‘yong sinabi ko?”
“What?”
He chuckled deeply, “Poor innocent soul. Tsk! Tsk! Tsk!” ipinatong niya ang dalawang kamay sa ibabaw ng table ko at dahan-dahang inilapit ang mukha sa akin na agad ko namang iniwas. “This is just a beginning, Diana. And you’re a part of the show now,” malademonyo siyang ngumisi na siya namang ikinakulo ng dugo ko.
“Ikaw ba ang nagsulat ng article?”
“What do you think?” animo’y nagmamayabang na tanong niya.
“You’re a writer, Mark. Hindi imposible na ikaw nga ang nagsulat ng walang kuwentang article na ‘yon!”
“Walang kuwenta? I’m sure kalat na ‘yon sa buong mundo!”
“Ano ba talagang gusto mo?!”
“Makipaghiwalay ka kay Baekhyun at sumama ka sa’kin.”
“Why would I? I don’t even love you! And in fact, you are the reason why Baekhyun and Zania broke up! May Zania ka na, gusto mo pa kong makuha? Ganiyan ka na ba talaga ka-desperado sa mga babae, ha? Anong tingin mo sa akin? Madaling makuha?”

BINABASA MO ANG
Love Me Right
Teen FictionA Trio once said... "Oh no, I hope I don't fall." -Diana "Never akong magkakagusto sa isang taong walang modo!" -Shane "Don't worry, you're not my type." -Kate Kung ang tagalog ng magic ay mahika, anong ginagawa ng tadhana? Mapanindigan kaya nila? *...