•Chapter 44•

7 3 6
                                    

Love Me Right: Jealous

Shane’s POV.

Sumalampak ako ng higa sa kama ko, kararating ko lang kasi galing sa shop. Tuwing 8 PM ang closing time namin at 7 AM naman ang oras ng pagbubukas para sa mga gustong mag-almusal.

Nakatitig lang ako sa kisame ng kuwarto ko nang marinig ang pagtunog ng cellphone ko, hudyat na may na-receive akong notification.

Agad ko namang binuksan ang message nang makita ko ang name ng gc namin.

***

⟨ Trio✊🏻

Diana
Guys, busy ba kayo?

Kate
Not really, whyyy?

Diana
Ayain ko sana kayo sa night club

Kate
Himala! Nag-aya ang tahimik naming kaibigan!

Gagi totoo ba ‘yong nababasa ko??? Si Diana? Nag-aaya sa club?!

Kate
Oo, teh! Hindi ka namamalikmata lang! Legit ‘to! Si Diana ‘yan!

Shet! Samantalang noong high school hindi natin iyan maaya sa mga kalokohan ah!

Kate
I agree!

Diana
Gagi ang OA niyo naman! Hindi ba pwedeng mag-upgrade ngayon?

First time kasi, teh! Pagpasensyahan mo na, hindi lang talaga kami sanay🤧

Diana
🙄🙄🙄
Whatever.
Ano nga??? Free ba kayo? Sasama ba kayo sa akin sa club?

G ako! Si Kate ewan ko lang

Kate
Go lang ako mga bakla!

Saan ba tayo lods?

Diana
Saan ba maganda? Wala akong alam sa mga club kasi first time ko rin pupunta😂

Seriously?!

Kate
Whut?! Hindi mo naranasan mag-club noong college?

Diana
Obvious ba? HAHAHAHA

WTH? Ang boring naman ng college life mo lods!

Diana
Eh hindi naman ako mahilig sumama sa mga gano’n. Mas kumportable ako sa inyo

Aww~ ang sweet naman!

Kate
Baka si Shane may alam!

Oh sige, maghahanap ako ng magandang club. Send ko na lang sa inyo ‘yong location mamaya

Diana
What time?

Kate
Bakit mamaya pa?

Tanginik ‘yan siyempre magse-search muna ko mga lods!

Diana
Usigii ikaw na rin mag-set ng time ah

Love Me RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon