Love Me Right: Sharp Gaze
Shane's POV.
Naglakad na kaming lima papunta sa Gym matapos naming panuorin ang game ni Kate sa Archery. Halos malaglag na kami sa bleacher kanina kasisigaw at katatalon dahil sa pagkapanalo niya. Pakalapit niya sa amin ay agad namin siyang binati at nag-group hug din kami.
"Guys, samahan niyo muna ako sa CR sa Gym ah? Magpapalit lang akong damit." Wika ni Kate at tumango na lang kami bilang tugon.
Pagkatapos niyang magbihis ay naghanap na agad kami ng puwesto para makanood ng basketball. Kasisimula pa lang ng Basketball girls nang makaupo kami sa isang bleacher. Ang ibang students ay papunta na rin dito kaya mabuti't napaaga kami kahit papaano. Nagpaalam naman si Wendy sa amin dahil kasali siya sa Glee Club at tinanguan na lang namin siya bilang tugon.
Nagsimula ang game ng Basketball boys nang maayos. Smooth ang galawan at parehong team ang nakaka-score, naghahabulan kumbaga. Pero sa kalagitnaan ng game ay nagiging mainit na ang laban dahil lumalamang na ang Red Team kaysa sa Purple Team, parang nagiging personal na rin ang pag-foul sa isa't-isa. Magtutulukan at minsan ay agresibong aagawin ang bola.
Sa kalagitnaan ng game ay napahinga kami ng maluwag nang wala namang nangyaring away, obvious na kasi talaga iyong pamemersonal nilang sakitan. Nanalo ang Phoenix sa Sharks sa score na 118/112, tulad nga ng sabi ko ay dikit ang laban at iyan ang kinalabasan sa katapusan.
At dahil ito ang last na game sa Sports Fest ngayong finals ay nandito ang lahat ng students ngayon sa Gym, hindi mainit dito kahit puno ng mga tao dahil napalilibutan ng electricfan na malalaki at maliliit.
"Hello, everyone! Okay pa ba ang lahat??!" Wika ng host na lalaki, dalawa kasi silang nakatayo sa harap. Isang babae at isang lalaki, sa pagpapakilala nila sa first day ay sila ang President at Vice President sa SSC. Itinapat niya sa amin ang microphone at sabay-sabay namang nagsigawan ang mga nandito. "Nasaan ang Green Team??!"
"WOOOOOHHH!!!" Tugon ng mga ito habang iwinawasiwas ang banners at lobo.
"How about, Yellow Team??!"
"AHHHH!!! GO, GO, TIGERS! WOOOOH!!!" Tugon naman nila at parang mga zombie na nagwawala.
"Wow! Iba rin ang energy!" Komento ng host na babae habang marahang tumatawa.
"Oo nga e, mga palaban talaga. Nasaan naman ang Blue Team??!"
"R.A.P.T.O.R.S! WE ARE THE RAPTORS! GO! GO! GO!"
"Taray! May pagano'n ang Raptors!" Komento ng host na lalaki at ang babae naman ang humarap sa kabilang team.
"Where is the Red Team??!"
"R! R.E.D! R! R! R.E.D! WOOOOHHHH!!!"
"Mukhang nagpapagalingan sa pag-cheer ang mga ito ah?" Komento ng lalaki.
"Sa true lang. Iba ang mga energy ngayong finals e, 'no? Pero magpapatalo ba ang White Team??!"
"WHITE TEAM FOR THE WIN! AWOO~!!!"
"And siyempre, the last but not least. Purple Team!!!"
"AHHHH!!! WE GO, SHARKS! WOOOOHHH!!!"
"Grabe! Nakakabinging hiyawan mula umpisa hanggang katapusan." Komento ng lalaki at agad namang sumang-ayon ang babae.
"Pero bago matapos ang event na 'to ay hindi natin palalampasin ang performance na inihanda ng ating mga talentadong mag-aaral."
"That's right! I'm sure matutuwa kayo at mag-eenjoy sa performance na ipapakita ng ating nag-iisang dance club dito sa Alvantin. So, please welcome,"

BINABASA MO ANG
Love Me Right
Teen FictionA Trio once said... "Oh no, I hope I don't fall." -Diana "Never akong magkakagusto sa isang taong walang modo!" -Shane "Don't worry, you're not my type." -Kate Kung ang tagalog ng magic ay mahika, anong ginagawa ng tadhana? Mapanindigan kaya nila? *...