Love Me Right: Hyunee
Diana's POV.
Ngayon ay birthday ni Lola Maida, ibinigay na rin sa akin ang huling sahod ko sa Library kaya makabibili ako ng panghanda at pang-regalo para sa kaniya.
Around 6 AM ay hinintay ko munang umalis si Lola papuntang trabaho bago ako tumayo sa kama upang maglinis ng bahay at mag-almusal. Tinawagan ko rin ang amo niya dahil 7 AM 'yon umaalis ng bahay, at sa ganitong oras ay baka naghahanda na 'yon sa pagpasok o kaya'y nag-aalmusal. Ipinagpaalam ko si Lola na susunduin ko siya mamaya dahil may sorpresa akong mga handa para sa birthday niya, mabuti na lamang at pumayag.
Pagkatapos kong mag-almusal ay hinugasan ko na muna ang pinagkainan bago ako pumunta sa kuwarto para ihanda ang isusuot papuntang bayan. Nakapag-order naman na ako kagabi roon ng spaghetti, pancit, carbonara, at lumpiang shanghai. Um-order din ako ng rice puto then balak ko rin bumili ng isang bucket na ice cream at cake na sakto lang ang laki, sayang kasi kung hindi mauubos.
Siniguro ko talaga na malinis ang bahay, maliban lang sa taas dahil hindi naman aakyat ang mga bisita. Hanggang first floor lang naman sila dahil nandoon ang mga nakahandang pagkain. Naglinis lang muna ako ng katawan bago magbihis ng pang-alis.
Mamaya na ko maliligo dahil papawisan din naman ako kapag pumunta ng bayan.
Kinuha ko na muna ang mga natira sa budget ko bago isinara ang bintana ko at bintana sa baba ng bahay, pagkatapos ay ini-lock ko rin ang pinto bago nagsuot ng tsinelas at lumabas na ng gate bago ito isinarang muli.
Naglakad na ko papunta sa kanto namin upang maghintay ng mga dumaraang tricycle. Nang makasakay na ko ay sinabi ko na ang lokasyon kung saan ako pupunta.
"Ito po bayad, Kuya. Thank you po." Wika ko matapos na bumaba ng tricycle. Pagkakuha niya ng pera ay dumiretso na ko sa loob ng palengke upang doon kuhanin ang mga in-order ko. Pagkatapos ay pupunta naman ako sa may tabi ng palengke dahil doon ko in-order ang puto. Mabuti na lang ay inilagay nila sa plastic ang mga bilao kaya hindi ako nahirapan magbitbit, ang problema ko lang ay mabigat kaya paniguradong mangangawit ako nito.
Pagkatapos kong kunin ang mga 'yon ay naglakad naman ako papunta ng cake shop para roon bumili ng cake, milktea shop ang katabi no'n kaya may mga nakatambay din sa labas dahil mayroong ilang table ang naroon para sa customers.
Struggle is real talaga dahil hindi ko na alam kung paano ko pa bibitbitin ang mga dalahin ko at kung saan ko muna iiwan habang namimili ng cake. Hindi pa naman ako nakakapasok dahil ayokong maka-disgrasya dahil sa mga bitbit ko. Masyado naman kasing nakakapagod kung babalik pa ko.
Hays. Dapat pala tinawagan ko muna sila Kate kanina para magpatulong bitbitin 'to.
Kahit pawis ko ay hindi ko magawang punasan dahil sa mga dala ko. Nagpasya na lang ako na ilapag muna sa semento ang mga 'yon since naka-plastic naman, pagkatapos ay doon ko na pinunasan ang mga pawis ko.
Ayon sa wristwatch ko ay malapit nang mag-alas nueve ng umaga, bibili pa ko ng pang-decorate kaya kailangan kong bilisan. Ngunit hindi ko alam kung anong paraan ang gagawin ko.
"Need help?" Mabilis akong napalingon sa nagsalita sa gilid ko. Halos napaatras pa nga ako dahil sa bahagyang pagkagulat. Nang makita ko si Baekhyun ay naamoy ko na naman ang pamilyar na amoy ng pabango niya.
BINABASA MO ANG
Love Me Right
Teen FictionA Trio once said... "Oh no, I hope I don't fall." -Diana "Never akong magkakagusto sa isang taong walang modo!" -Shane "Don't worry, you're not my type." -Kate Kung ang tagalog ng magic ay mahika, anong ginagawa ng tadhana? Mapanindigan kaya nila? *...