•Chapter 48•

13 1 0
                                        

Love Me Right: In His Condo

(WARNING!: This chapter contains slight mature themes that may not be suitable for very young age. READ AT YOUR OWN RISK!)

Diana’s POV.

Almost 3 months na rin ang nakalipas simula nang maging model namin si Baekhyun, may solo shots naman kami dahil hindi naman pwedeng palagi na lang magkasama since busy ako minsan. Ngayon na rin ang last at ilalabas na ang mga magazine soon, pati ang ipo-post sa billboards ay inaayos na rin.

Nang dahil sa pagod ko sa paperworks na pinirmahan at in-approve ko ay hindi ko namalayang nakatulog pala ako. Nakaupo pa rin ako sa office chair at nakapatong ang mga braso sa table at iyon ang nagsilbi kong unan.

Naalimpungatan ako nang maramdaman ko ang pagkagulat ko, ngunit mas nagulat ako nang makita ko si Baekhyun na nakatitig sa akin habang nakapangalumbaba sa table ko at nakangiti. Umayos ako ng upo at kukurap-kurap na tumingin sa kaniya.

Nagising nang tuluyan ang diwa ko.

“K-kanina ka pa riyan?”

Hindi nawala ang ngiti sa kaniyang labi at hindi rin siya tuminag sa posisyon niya, “Yeah, na-miss kong makita kang tulog.”

Mabilis akong umiwas ng tingin at tumikhim.

“Tapos na yung shoot mo?”

“Hmm. Then dito ako dumiretso sa office mo, pumunta nga rito si Audri pero sabi ko tulog ka kaya bukas na lang daw.”

“Ha? Bukas?” nagtataka kong wika at mabilis na chineck ang oras.

Shocks! It’s already 8:22 PM!

“You look so tired kaya hindi na muna kita ginising.”

Napasapo ako sa noo ko at napabuga ng hangin. Na-stop ako sa ginagawa ko kaninang 7:15, hindi ko alam na ganoon ako katagal na natulog sa ganitong posisyon.

Namanhid yung pwet at legs ko!

“Hindi ko namalayan ang oras…” komento ko habang nakatitig sa mga pinirmahan at hindi ko pa nache-check na documents.

“It’s dinner time, wanna join me?”

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at bahagyang kumunot ang noo, “Saan?”

“Linggo naman bukas, so hindi naman siguro masama kung abutin man tayo ng hanggang anong oras sa unit ko.”

“Sa u-unit mo?”

“Mm-mm.”

Napaisip ako, “Hindi ba magagalit si—”

“Wala na siyang pakialam doon, so don’t worry, hmm?” nagtataka ko naman siyang tinitigan kaya muli siyang nagsalita matapos na marahang tumawa. “I’ll tell you later.” umayos na siya ng upo ngunit nakatitig pa rin ako sa kaniya. “Ano? Sasama ka ba?”

Hindi ko alam kung bakit, pero kusang tumango ang ulo ko na naging dahilan ng malawak niyang pagngiti.

Tinulungan niya kong ayusin ang mga kalat sa ibabaw ng table ko bago kami lumabas ng office at sumakay sa elevator. Umuwi na ang mga empleyado ko dahil hanggang 7 PM lang naman ang inaabot ng overtime nila rito.

Pagkababa namin sa ground floor ay hinanap namin ang kotse niya, iiwan ko muna ang kotse ko rito dahil sa kotse niya na lang daw ako sumakay. Pumayag na rin ako agad dahil tumatakbo ang oras.

Ilang hakbang pa ang nilakad namin bago niya tuluyang nakita ang kaniyang kotse—a black Audi Rs7.

Pinagbuksan niya ko ng pinto sa shotgun seat at nagpasalamat muna ako bago tuluyang pumasok sa loob, siya naman ay umikot patungo sa driver’s seat. Sinuot naming pareho ang seatbelt at saka pinagana ang makina ng kotse bago sinimulan ang pag-drive dito.

Love Me RightMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon