•Chapter 01•

44 3 12
                                        

Love Me Right: New School, New Life, New Beginning

Diana's POV.

Halos mapatalon ako sa kinatatayuan ko nang marinig ang isang malakas na kalabog mula sa loob ng opisina. Paniguradong mamamaga na naman ang kamay ni Mr. Noble dahil sa marahas na paghampas niya sa kaniyang mesa.

Hindi na pinapunta pa sina Kate at Shane sa Guidance Office at pinadiretso na lang r
dito sa Principal's Office. Ngunit dahil mahal ko sila ay sumunod ako at hinihintay silang makalabas.

Nagtataka siguro kayo kung anong ginawa nila, ano?

Well, nag-cutting lang naman sila sa tatlong magkakasunod na klase. Hindi nila hate ang subject, ayaw lang talaga nila sa teacher. Hindi ko nga alam kung bakit natitiis ko pa ang nakakaantok na subjects na 'yon eh, boring kasi.

Hindi ko na mabilang kung pang-ilang violations na nila 'to dahil simula nang sumapit ang second grading ay palagi na silang nagcu-cutting classes, at hindi lang 'yon dahil marami na rin silang rules na nalabag mula sa school. Mabuti nga't napipigilan ko pa minsan eh. Minsan nga lang.

Umusog pa ko palapit sa pinto para mas marinig ko ang pag-uusap nilang tatlo, ngunit nadismaya ako nang kulob na mga boses lamang ang marinig ko. Makapal kasi ang pader at pinto kaya malabong marinig ang pag-uusap sa loob kaya kahit sigaw ni Mr. Noble ay hindi ko maintindihan.

Maya-maya lamang ay narinig ko na ang pagbukas ng pintuan kaya bahagya akong lumayo in case na si Mr. Noble ang lumabas mula sa opisina na 'to.

"Anong sabi?" Bungad ko sa dalawa nang sila ang iniluwa ng pintuan.

"Kailangan na namin maghanap ng ibang school..." nakangusong sagot ni Kate ngunit batid ko naman na tuwang-tuwa siya. Kunwari pa!

"Ayan, labag pa ng rules." Nangingising komento ko.

"Hindi pwedeng kami lang ang aalis, 'no! Siyempre isasama ka namin!" Determinadong wika ni Shane na malawak ang ngiti.

"Aysus! Wala pa nga kayong nahahanap na bagong school eh."

"Anong wala? Planado na kaya namin once na ma-kick out kami ni Shane dito!"

Natawa ako sa sinabi ni Kate. Hindi ako makapaniwala na naka-plano na talaga ang lahat bago pa man sila ma-kick out sa school na 'to. Grabe ang utak ng mga 'to!

"Ebarg naman 'yon, mga mare! Advance talaga kayo mag-isip!" Natatawang wika ko.

"Ha! At hindi ka makakatanggi kung isasama ka namin!" Komento ni Shane bago nila ako inakbayan ni Kate. Bahagya pa kong napayuko dahil ang bibigat ng mga braso nilang dalawa, hindi rin tuloy ako makalakad nang maayos dahil sa kanila!

Elementary pa lang ay magkakakilala na kami, ang huling kita namin noon ay graduation ng grade 6. Tapos grade 8 hanggang grade 9 ay naging magkakaklase na ulit kami. Ang pamilya nina Shane at Kate ay kapwa katamtaman ang yaman kaya may lakas sila ng loob na lumabag sa rules ng school, palibhasa may mga pambayad ng tuition. Si Shane ay may isang nakababatang kapatid na lalaki habang si Kate naman ay may Kuya. Samantalang ako ay hindi mapalad sa buhay at nag-iisa lang na anak.

Simula nang pumasok ako ng high school ay 'yon din ang simula ng pagkasira ng pamilya namin. Naghiwalay sina Mama at Papa dahil sa matagal na hindi pagkakaunawaan. Hindi ko alam kung ano talaga ang dahilan dahil hindi nila ito sinabi sa'kin at iniwan na lang ako sa Lola ko na nanay ni Papa. Hindi ko pa nakikilala ang Lola ko sa side ni Mama dahil hindi niya pa naman ito naipakikila sa akin kahit noong bata pa ko.

Love Me RightMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon