Love Me Right: Photo Shoot
Diana’s POV.
Abala ako sa pagbabasa at pag-sign ng papers nang kumatok ang secretary ko sa pinto ng aking office.
“Ma’am?” wika niya matapos na sumilip sa pintuan.
“Yes?”
“Hinahanap po kayo ni Mr. Lee.”
Napakunot naman ang noo ko, “Mr. Lee?”
Bumukas nang malaki ang pinto at saka iniluwa si Mark na seryosong nakatitig sa akin. Awtomatiko naman akong napatayo mula sa office chair at sinenyasan ang secretary na lumabas, mabilis niya naman itong sinunod at saka marahang isinarado ang pinto.
Muli naman akong bumaling kay Mark at malamig siyang tinignan, “What are you doing here?”
Naglakad naman siya palapit sa akin at saka dumako ang mga mata sa braso ko na nagkapasa dahil sa riin ng pagkakahawak niya noong Sabado, mabilis ko naman itong itinago sa likuran ko at hinintay siyang sumagot.
“I’m sorry…” masuyong bulalas niya.
“Ilang beses ko na ‘yang narinig mula sa’yo.”
Muli naman siyang humakbang palapit sa akin at saka hinawakan ang kaliwang kamay ko, “I know, but… promise, nagbago na ko.
Can we… c-can we go back together?”
Napasinghal ako at marahas na binawi ang kamay, “We’re done 3 years ago because you cheated. And now you want to go back to me? For what? As what? Sa pagkakaalam ko kasi sinayang mo ‘yong 2 years nating pagsasama para lang doon sa bago mong nakilala!”
“I know it was my fault but swear, I’m not like that anymore.
Please…get back to me,” masuyong wika niya ngunit umiling lang ako.
“I’m not going back to you, Mark.
At ano bang trip mo ngayon? Wala ka na bang makuhang babae na paglalaruan kaya ka bumabalik sa akin?”
“It’s not like that, Diana.”
“What’s done is done, okay? I’m not going back and that’s my fvcking final decision!”
Ngumisi siya, “You think I’ll stop?” ipinatong niya ang dalawang kamay sa ibabaw ng desk ko at saka inilapit nang bahagya ang mukha sa akin na dahilan ng pagpigil ko sa aking hininga. “You wish, Diana Leiz.” ang huli niyang sinabi bago nakangising lumabas ng opisina ko.
Pagkasaradong-pagkasarado ng pinto ay roon ko lamang naibuga ang hangin na pinigilan ko kanina. Napahawak din ako sa dibdib ko dahil sa lakas ng kabog nito, bigla kasi akong kinabahan sa iniwang salitang iyon ni Mark.
Muli akong umupo sa office chair at napahawak sa sentido habang nakapatong ang siko sa ibabaw ng table ko. Pumikit ako upang marahan itong hilutin dahil parang naubos ang energy ko sa lalaking ‘yon.
Some of his words naman ay hindi niya tinutupad.
Pero sana… sana lang talaga ay huwag na siyang gumawa pa ng ikapapahamak ko.
Tahimik lang akong nag-iisip ng maaaring gawin ni Mark nang biglang may kumatok sa pinto at narinig ko ang marahang pagbukas nito.
“Ma’am, may naghahanap po ulit sa inyo.” dumilat ako at dahan-dahang tumingin sa direksyon ni Audri.
BINABASA MO ANG
Love Me Right
Teen FictionA Trio once said... "Oh no, I hope I don't fall." -Diana "Never akong magkakagusto sa isang taong walang modo!" -Shane "Don't worry, you're not my type." -Kate Kung ang tagalog ng magic ay mahika, anong ginagawa ng tadhana? Mapanindigan kaya nila? *...
