•Chapter 18•

12 3 17
                                        

Love Me Right: Dating Issue

Kate's POV.

Afternoon ang training namin ngayon at ito na rin ang panghuli dahil bukas na ang Sports Fest. Kinakabahan ako pero kailangan kong ibigay ang best ko.

Maaga kaming pumasok nila Shane dahil may mahalaga pa kaming gagawin. Hindi na namin pa pinansin ang nasa paligid, bagkus ay dumiretso kami sa Guard House upang magtanong sa Guard.

"Kuya Guard, good morning po!" Masiglang bati ko sa kaniya. Binati niya rin naman kami pabalik kaya bahagya akong napangiti. "Pwede po bang maitanong kung saan po naka-locate 'yong cctv monitors?" Tanong ko.

"Ahh, nandoon sa Admin Office." Tumango ako at saka nagpasalamat bago kami dumiretso sa naturang opisina.

Siyempre, kumatok muna ako sa pinto bago kami pumasok sa loob. Napatingin naman sa amin ang nasa loob ng opisina at marahan ko naman silang nginitian matapos naming batiin bilang paggalang.

May 2 drawers na nakaharang sa pagitan ng Admin at Registrar at may label naman kaya hindi malilito kung nasaan ang pupuntahan mo.

Nagpatiuna akong naglakad papunta sa puwesto ng Admin at binati ang dalawang nakaupo roon.

"Ano pong kailangan nila?" Malumanay na tanong ng babae na sa tingin ko ay nasa mid-30s na.

"Uhm...itatanong ko lang po sana kung pwede pong i-review yung CCTV?"

"CCTV saan?"

"Sa Storage Room po at Library."

"Ayy, wala tayong CCTV sa Storage Room kasi naka-lock naman siya. Ang meron lang sa tinatanong mo is 'yong Library." Nagkatinginan muna kaming tatlo bago ako muling tumingin sa kausap ko.

"Pwede pong pa-review?"

"Anong oras ba? At saka kailan?"

"Kahapon po, around 5 to 6 pm."

"Pinapatay na namin ang CCTV ng ganoong oras."

Tsk! Ano ba 'yan!

"Oh sige po, patingin na lang po ng footage sa buong afternoon kahapon." Tumango ang babae at saka nagsimulang magkalikot gamit ang keyboard at mouse. Pagkatapos ay iniharap sa amin nang bahagya ang monitor, katamtaman lang para makita namin.

Sinimulan na naming panoorin ang footage, naka-fast forward para hindi aksayado sa oras kapag naka-normal. Ngunit nadismaya kami nang walang makitang kahit na ano.

"Ah, ma'am? Pansin niyo po ba na tumalon 'yong oras?" Tanong ko sa babae dahil hindi ako nakapag-focus sa oras, busy ako sa pagtitingin sa nangyayari that time.

"Wait, check ko." Tugon niya at nagsimula ulit kalikutin ang footage.

"Hala. Oo nga, hindi nakuhanan 'yong 4:00-5:00 PM. Since wala si Miss Sena, maagang nawalan ng bantay ang Library dahil alas-kuwatro ang uwi ni Miss Flores, 1 hour advance kaysa kay Miss Sena."

Muli, ay nagkatinginan kaming tatlo at nagkaroon na ko ng hint sa nangyari kahapon sa Library.

"Sige po, salamat po nang marami. Pasensya na rin po sa dinulot naming abala."

"No problem, it's part of my job." Nakangiting tugon ng babae kaya napangiti na lang ako.

"Thank you po ulit." Tumango na lang siya at inaya ko nang umalis sina Shane at Diana.

"May hint na ko sa nangyari sa Library kahapon." Wika ko sa kanila paglabas ng opisinang 'yon.

"Ako rin." Tugon ni Shane. Nagpatiuna naman akong maglakad patungong Guidance Office since katabi lang naman 'yon ng pinanggalingan naming opisina.

Love Me RightMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon