Love Me Right: Girlfriend
Kate's POV.
Lunes ng umaga, as usual ay sabay-sabay kaming pumasok nila Diana. Tumambay muna kami sa mga bench sa tabi ng Main Gate dahil may hinihintay kaming mga impakta. Pumupunta kasi 'yon dito sa Gate kapag dumarating na ang Exodus.
"Hindi pa ba tayo pupunta sa room, Kate? Mainit dito e." Reklamo ni Shane.
"Wait lang! Maganda naman ang init ng araw sa katawan ah?" Depensa ko.
"Ano ba kasing ginagawa natin dito?" Ibinaling ko ang tingin kay Diana nang itanong niya 'yon at saka marahang napangisi.
Good question.
"We're waiting for them."
"Them?" Nagtatakang tanong ng dalawa.
"We're waiting for that Horror Dolls, namimihasa na sila kaya kailangan ko na silang kausapin."
"How?" Kunot-noong wika ni Shane. "Don't tell me, gagawa ka ng karahasan dito? Nang live?"
"Oh come on, my dear friend. Just go with the flow, at saka hindi naman sila mamamatay sa gagawin ko. Mas malala pa nga 'yong ginawa nila sa'yo. Pinalipas ko lang ang Sports Fest dahil gusto kong mag-enjoy muna sila."
"Pero hindi ba't masama ang gumanti?" Wika naman ni Diana.
"Diana, sa panahon ngayon, kapag nanahimik ka, doon ka mas aapihin. Isantabi mo muna 'yang kabaitan at konsensya mo, dahil kumpara sa gagawin ko sa kanila ngayon, mas malala pa ang ginawa nila sa inyo." Nanahimik na lang silang dalawa na tila ba sumang-ayon na lang sa sinabi ko.
Kung hindi nila kayang gumanti, pwes, ako na ang gagawa. Ayokong ina-agrabyado ang mga kaibigan ko dahil pamilya na rin ang turing ko sa kanila.
May mga estudyante rin na nakakalat dito sa school dahil may ilang minuto pa naman bago mag-time. Siyempre hinihintay din nila ang Exodus na dumating, patay na patay sila roon e.
Nang makarinig kami ng tunog ng makina ng sasakyan ay agad namin iyong nilingon, kasabay ng tilian ng mga babae. Animo'y mga artista na dumating para sa Fansigning Event nila. Hindi ko na pinansin pa ang pagbaba ng Exodus mula sa mga naturang sasakyan at inilibot lang ang paningin sa mga babaeng nagsisitakbuhan para lamang makita ang mga lalaking hinahangaan nila.
Tss! Parang hindi naman nila palaging nakikita rito ang mga 'yan.
Gumuhit ang ngisi sa aking labi nang mamataan kong naglalakad na ang Horror Dolls papunta sa kinaroroonan ng mga nagkukumpulang mga babae at beki. Nagpasya akong tumayo bago lingunin ang dalawang kaibigan ko.
"Pupuntahan na natin?" May bahid ng kabang turan ni Diana. Tahimik naman akong tumango bago nagpatiunang maglakad.
"Hi." Kaswal na wika ko na siyang agad namang ikinalingon ng grupong nilapitan ko.
Tumaas ang kilay ni Amber nang makita ako at saka ipinagkrus ang dalawang braso sa dibdib bago ako tinignan mula ulo hanggang paa.
"Bakit may basurang nakakalat dito?" Mataray niyang sabi at nagtawanan naman ang mga kasama at pati na rin ang supporters nila 'kuno'.
Bahagya akong natawa at ipinagkrus din ang mga braso sa dibdib, tinignan din siya mula ulo hanggang paa.
"Oh. You mean, yourself?" Nagpigil ng tawa si Shane ngunit narinig ko pa rin 'yon kahit na mahina. Napasimangot naman si Amber at susugod na sana ang isang kasama niya ngunit agad niya itong pinigilan, pagkatapos ay humakbang siya ng isa palapit sa amin. Pero hindi ako nagpatinag.
BINABASA MO ANG
Love Me Right
Teen FictionA Trio once said... "Oh no, I hope I don't fall." -Diana "Never akong magkakagusto sa isang taong walang modo!" -Shane "Don't worry, you're not my type." -Kate Kung ang tagalog ng magic ay mahika, anong ginagawa ng tadhana? Mapanindigan kaya nila? *...
