Love Me Right: Boyfriend
Shane’s POV.
It was my birthday today. I invited all of my friends, acquaintances and employees, and even some of our relatives too. Nag-rent kami ng event hall para mas maluwag ang space para sa invited visitors, nagpa-cater din si Mommy para mas marami ang handa. Maaga pa lang ay sinilip na namin ang event hall dahil may kinausap sila Mom na mag-aayos nito ngunit hindi pa sila tapos kaya’t kaunti pa lang ang nakita namin.
6 PM ang start ng party kaya naman 4 PM pa lang ay inayusan na ko ng buhok at nilagyan na rin ako ng makeup bago pinagbihis ng mga makeup artist. They did my hair into a curled plait with a soft glam makeup look. I wore a gold sequins mesh patchwork cocktail gown halter robe de soiree sleeveless and white high heels pointed toe stiletto shoes. I also sprayed a Maison Francis perfume for women on my body.
And when everything is finally done, bumaba na rin ako sa sala upang sabay-sabay kaming pumunta nila Mommy sa event hall. Hindi makakapunta sina Daddy at Vince dahil mahihirapan sila sa pag-adjust ng oras. Enrollment na rin kasi ng kapatid ko for his second year in college.
“Wow! Ang ganda naman ng babaeng ito!” bungad sa akin ni Tita kaya malawak akong napangiti.
Malawak namang ngumisi si Mommy, “Siyempre, sino ba ang nagpalaki riyan?”
“Ano ba kayo! Siyempre nasa angkan natin ang mga magaganda’t guwapo!” komento naman ni Lola at marahan akong tinatapik-tapik sa braso.
Napailing na lang ako habang natatawa sa kanila, “Halina po kayo at baka nauna na po ang mga bisita sa atin.” sumang-ayon naman sila agad sa akin kaya pumunta na kami sa kotse at sumakay—si Kuya Arnold ang nag-drive papunta roon sa venue. Siyempre, pati mga kasambahay namin ay nandoon din sa party dahil para sa amin ay part na rin sila ng family.
Pagkarating namin sa event hall ay ipinarada na ni Kuya Arnold ang kotse sa parking area at saka kami isa-isang bumaba bago pumasok sa loob ng hall.
Pagtapak namin sa loob ay inilibot ko ang paningin at saka namangha sa naging kinalabasan ng efforts ng mga nag-design dito. Sa tinatapakan namin ngayon ay may puting carpet patungo sa maliit na entablado, doon ay may nakalagay na kulay silver na kurtina at may nakadikit na “Happy 25th Birthday”, sa paligid naman nito ay may inilagay pa silang makinang na disenyo.
Sa magkabilang gilid naman ng carpet ay ang mga nakaayos na table, may sapat na space din dito sa gitna para sa sayawan mamaya. Ang mga pagkain ay nasa magkabilang side din kung saan medyo malapit sa mga table. Pareho lang ang nakahain sa magkabilang side, pinaghiwalay lang talaga para hindi mahirapan kumuha ang mga bisita dahil buffet style ang pagkuha sa pagkain.
Kapag tumingala ka ay may chandeliers din na nakasabit kaya dumagdag ang katamtamang liwanag nito sa ganda ng paligid, silver din ang kulay ng tablecloths at cover ng chairs.
Lahat ay kulay silver or grey maliban lang sa suot ko dahil kulay gold. Well, ako ang birthday celebrant kaya wala silang pakialam sa kulay ng damit ko ngayon.
“Shane, upo na kami ah? Punta ka na sa harap, i-welcome mo na mga bisita mo.” tinanguan ko si Mommy at naglakad na sa gitna ng carpet hanggang sa makarating sa maliit na entablado. May nagbigay sa akin ng mic kaya ngumiti ako matapos na humugot ng isang malalim na hininga.
Pagkatapos ay itinapat ko na sa bibig ko ang mic at saka ako nagsalita para i-welcome ang mga bisita kong nandito na, lagpas na sa kalahati ang nakikita ko pero may specific na mga tao talaga na hinahanap ng mga mata ko.
Pagkatapos kong magsalita ay nagpalakpakan na sila at saka ako bumaba ng stage upang magtungo sa lamesa namin nila Kate, pinasadya ko talaga ‘to para sa aming apat—kasama si Dave. Nasa dulo kami kaya hindi kami takaw-pansin dito. May emcee naman sa harap kaya sure akong hindi mabo-bored ang mga bisita rito.
BINABASA MO ANG
Love Me Right
Teen FictionA Trio once said... "Oh no, I hope I don't fall." -Diana "Never akong magkakagusto sa isang taong walang modo!" -Shane "Don't worry, you're not my type." -Kate Kung ang tagalog ng magic ay mahika, anong ginagawa ng tadhana? Mapanindigan kaya nila? *...
