•Chapter 32•

15 2 6
                                    

Love Me Right: #Couples

Diana's POV.

Na-late ako ng gising kaya recess na ko napasok ng school noong Lunes, anong oras na rin kasi ako nakauwi noong Linggo dahil binantayan ko si Lola sa ospital. Mayroon siyang sakit sa atay, at dahil malala na ay kailangan na raw niyang magpa-liver transplant. Naka-confine siya sa ospital dahil mas maaalagaan siya roon habang naghihintay ng donor.

Lutang ako noong mismong araw na 'yon kaya hindi ko na napansin pa ang mga dumaan sa harap ko, akala ko kasi sila Shane pa rin iyon dahil nasa likuran nila ako. Ang hindi ko alam ay Teenage Dolls na pala 'yon! Hindi ko naman sinasadya at muntik lang namang matapunan si Amber pero grabe na ang ginawa niya sa akin. May mata rin naman siya pero hindi man lang siya ang unang umiwas, feeling prinsesa kasi kaya nagbubulag-bulagan.

Sa tuwing uuwi ako ng bahay ay nagbibihis agad ako upang magluto ng kakainin ko, pagkatapos ay pupuntahan ko na si Lola after kong kumain ng hapunan. Hindi pwedeng magkasakit din ako kaya hindi ako nag-skip ng meal. Alam ko namang inaalagaan si Lola roon sa ospital pero hindi ako mapapakali rito hangga't hindi ko siya nakukumusta sa isang araw.

Nakakapanibago dahil wala nang naghahanda ng almusal ko sa araw-araw simula noong na-confine siya sa ospital. Ang lonely din dito sa bahay dahil mag-isa lang ako, ilang hakbang din kasi ang layo ng ilang kapitbahay namin kaya wala akong maka-kuwentuhan dito.

Biyernes ng hapon, pagkauwi ko galing school ay napasalampak ako ng upo at napasandal sa mahaba naming sofa dahil sa pagod. Papikit pa lang ako para sana ipahinga ang mata at utak ko nang mag-ring ang cellphone ko. Dahan-dahan akong umayos ng upo at saka kinapa ang cellphone sa bulsa ng palda ko.

Tita Emmana calling…

Mabilis kong pinindot ang green button sa call upang sagutin ang tawag ni Tita, pagkatapos ay idinikit ko iyon sa tainga ko.

“Hello?”

“Diana, kumusta?”

“Naka-confine po si Lola sa ospital, araw-araw ko naman po siyang binibisita roon.”

“Hmm…eh ikaw? Kumusta ka? Nakakapag-focus ka ba sa school mo?”

“Kaya pa naman po, Tita.”

“H'wag kang mag-alala, magiging ayos din ang lahat. At siya nga pala, h'wag ka nang mag-alala sa panggamot ni Mama. May pension naman siya, ako na lang ang mag-aasikaso no'n. Ipapadala ko na lang ang pera para may panggastos sa kaniya riyan.”

“Sige po, Tita. Naaalagaan naman po siya roon sa ospital, at saka mas natitignan po siya ng mga nurse roon.”

“Oh sige. Salamat sa pag-aasikaso mo sa kaniya ah? Kapag naka-tiyempo ako rito sa trabaho ko luluwas ako riyan para ako naman ang mag-asikaso sa kaniya.”

“Wala po 'yon, Tita. Pagbawi ko na rin po iyon sa lahat ng nagawa niya para sa akin.”

“Oh sige na, sige na. H'wag mong pababayaan sarili mo riyan, ah? Mag-ingat ka palagi lalo na't wala riyan si Mama.”

“Opo, Tita. Kayo rin po.”

“Sige, salamat. Bye!”

“Bye po.”

Pagkapatay ng tawag ay ipinatong ko ang cellphone ko sa center table. Kinuha ko ang wallet ko at tinignan ang natitirang laman nito dahil kailangan ko ng pamasahe papunta ng ospital.

Love Me RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon