•Chapter 39•

7 3 41
                                        

Love Me Right: Small World

Diana’s POV.

Pagmulat ng mata ko ay bumungad sa akin ang puting kisame. Tahimik din ang paligid kaya nagdesisyon akong luminga, doon ay nakita ko sina Shane at Kate na mahimbing pa ring natutulog sa magkabilang gilid ko. Magkakatabi kasi ang kama namin dito sa isang kuwarto.

Tinignan ko ang suot ko at nakita na naka-hospital gown ako. Bahagya sana akong uupo ngunit napadaing ako sa sakit nang maramdaman ang sugat sa tagiliran ko.

Tinamaan nga pala ako ng baril dito.

Hindi ko alam kung anong oras na dahil nakasarado pa ang mga kurtina ng kuwarto, tinignan ko rin ang mga pasang natamo ko sa katawan.

Sobrang dami pala…

Sa tingin ko matagal pang gagaling ang mga pasa namin at sakit sa katawan. Mabuti nga at nabuhay pa kami.

Napalingon naman ako sa may pintuan nang bumukas ito at iniluwa si Tita Emmana. Bahagya naman siyang nagulat nang makitang gising na ako.

“Kanina ka pa gising?” nakangiting bungad niya pagkalapit. May dala siyang isang plastic na sa tingin ko ay pagkain o prutas ang laman.

“Kagigising ko lang din po,” nakangiting tugon ko at itinukod ang dalawang kamay para makaupo. “Ahh!” bulalas ko nang kumirot ang sugat sa tagiliran ko.

“Oh. Dahan-dahan lang, sariwa pa yung mga sugat at pasa.” inalalayan ako ni Tita hanggang sa makaupo na ko nang kumportable. “Ano bang nangyari?” nag-aalalang tanong niya sa akin.

“Hi-hindi ko rin po alam kung paano umabot sa ganito…”

“Nakausap ko si Baekhyun kanina,” napaangat naman ang tingin ko kay Tita nang banggitin niya ang pangalan ni Baekhyun. “Ang sabi niya bibisita raw siya rito mamayang gabi. Kailangan din daw kasi siyang kausapin ng parents niya dahil sa nangyari kahapon.”

Nanlaki ang mga mata ko sa tinuran ni Tita, “Ka-kahapon po?”

“Hmm. Matagal kayong nakatulog dahil sa sakit ng katawan at saka dahil na rin sa pampatulog na itinurok sa inyo ng doktor.” wika niya habang marahang nakangiti.

Nilingon ko ang dalawa kong kaibigan na mahimbing pa rin ang pagtulog, “Kumusta po sila?” pagtukoy ko sa kanila.

“Maayos naman sila. Kaso si Shane napilay ‘yong kanang paa niya dahil sa paghampas, pero sabi ng doktor hindi naman iyon malala kaya wala tayong dapat na ipag-alala.”

“Dumalaw na po ba rito ‘yong parents ni Kate?”

“Kagabi, oo. Pero ngayong araw hindi ko alam kung anong oras sila pupunta,” napatango na lang ako bilang tugon.

Maya-maya lang din ay nagising na sina Shane at Kate kaya binuksan na ni Tita Emmana ang kurtina para pumasok ang sinag ng araw. Alas-otso pa lang kasi ng umaga.

Dumalaw din ang parents ni Kate at may dala itong almusal naming tatlo, kahit na nakahiga kami ngayon dito sa hospital bed ay nakuha pa rin kaming sermonan ni Tita Vicky. Sobrang nag-alala raw kasi sila sa mga natamo namin mula sa grupong ‘yon.

“Hindi yata maganda ang nalipatan ninyong school! Mabuti at tapos na kayo ng grade 9, sa susunod na pasukan ililipat ko ulit kayo ng school at sisiguraduhin ko na hindi na kayo mapapahamak doon.

At! Hindi kayo ang pipili ng lilipatang school kundi ako, napagbigyan ko kayo sa Alvantin pero tignan ninyo ang nangyari sa inyo! You almost died!” patuloy pa ring pagse-sermon ni Tita Vicky.

Love Me RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon